Pura Luka Vega, dineklarang 'persona non grata' sa GenSan

Pura Luka Vega, dineklarang 'persona non grata' sa GenSan

- Idinekalarang persona non grata sa General Santos City ang drag performer na si Pura Luka Vega

- Ito ay kaugnay pa rin sa kanyang pagdadamit na tulad sa imahe ng Poong Nazareno

- Ayon sa pamunuan ng lugar, hindi katanggap-tanggap ang viral performance niya lalo na at ginamit pa nito ang awit panalangin na 'Ama Namin'

- Malinaw na labis na nakaiinsulto ang sa Christian community ang patuloy na nagagawa na ito ng performer na miyembro umano ng LGBT community

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

'Persona non Grata' na ng General Santos City ang drag performer na si Pura Luka Vega kung saan naging viral ang kanyang naging performance sa panggagaya sa imahe ng Poong Nazareno.

Pura Luka Vega, dineklarang 'persona non grata' sa GenSan
Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

Gumawa ng ingay ang kanyang drag performance na ito lalo na at ginawan pa ng remix ang sagradong awit panalangin na 'Ama Namin.'

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

Ayon sa GMA News, kinokondena ng nasabing lugar ang palabas na ito ni Pura na patuloy pa rin niya umanong ginagawa.

Suportado rin ng simbahan ang desisyon na ito ng lokal na pamahalaan ng General Santos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nangangahulugang hindi na 'welcome' si Pura sa General Santos City matapos ang deklarasyong ito sa kanya.

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.

Read also

Grade 10 student, niregaluhan ng Php1 milyon ng kanyang kuya

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin niya ng imahe ni Kristo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica