JHS student na nakatanggap ng Php100,000 money garland mula sa kanyang tita, viral
- Napa-wow ang marami sa junior high school student na nakatanggap ng Php100,000 money garland
- Ito ay biyayang handog ng kanyang tita sa kanyang moving-up ceremonies
- Ayon sa kanyang tita, isa itong motibasyon para ganahan pa lalong mag-aral ang pamangkin
- Reward din nila ito gayung naaasahan ang pamangkin sa iba pa nilang mga kaanak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang napa-sana all nang mag-viral ang post ni Shiela Mae E. Magtoto na hindi nagdalawang isip na bigyan ng tumataginting na Php100,000 ang kanyang pamangkin na si Justin Enad.
Ayon kay Sheila, regalo niya ito sa pamangkin sa kanyang moving-up bilang pagtatapos sa junior high school.
Ang pang-agaw eksena pa lalo rito ay ginawa pa kasing money garland ni Sheila ang biyayang handog sa pamangkin.
"Para kahit papaano, maramdaman din na mahal namin siya kahit wala siyang medal," ani Sheila sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Gayunpaman, kapuri-puri umano ang pag-aalagang ginagawa ni Justin sa iba pa nilang kaanak at talagang kinakitaan umano ito ng kasipagan sa kanilang pamilya.
Ayon pa sa kanyang tita, magsilbi umanong motibasyon ang perang regalo sa kanya upang pagbutihin ang pag-aaral sa pagpasok niya sa Senior High School.
Moving-Up ceremonies at hindi pa maituturing na graduation ang tawag sa pagtatapos ng mga Junior High School Students o iyong nasa Grade 10. Gayunpaman, dalawang taon pa ang kanilang bubunuin para matapos naman ang senior high school.
Samantala, kamakailan ay nag-viral din ang video ng isa umanong magsasaka na napagtapos ang anak sa kolehiyo. Sa video na kuha ni Councilor Jay Najito na naibahagi rin ng 103.1 Brigada News FM - Naga City makikita si Vilma na kasama ang kanyang ama sa entablado sa araw ng kanyang Graduation. Tila nahihiya ang ama subalit mapapansin din kung gaano ito ka-proud sa tagumpay na natamasa nila ng kanyang anak. Sa kabila ng ikinabubuhay nitong pagtatanim ng kamote at iba pa sa mga kabundukan, naigapang nito ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang anak.
Isa rin sa pumukaw sa damdamin ng mga netizens kamakailan ay ang nagtapos ng kolehiyo na si Juvelyn Dela Torre Eugenio. Bitbit kasi ni Juvelyn ang larawan ng kanyang mga magulang na yumao na. Hindi na inabot ng mga magulang ni Juvelyn ang kanyang graduation gayung magkasunod na taon halos ito nawala. Subalit siniguro ni Juvelyn na makakasama niya sa pag-akyat sa stage ang mga magulang kahit larawan manlang ng mga ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh