Rendon Labador sa tumataas na presyo ng bigas: " Utakan natin silang lahat"

Rendon Labador sa tumataas na presyo ng bigas: " Utakan natin silang lahat"

- Nag-post si Rendon Labador ng kanyang saloobin kaugnay sa mataas na presyo ng bigas

- Sa kanyang binahaging video ay hinikayat niya ang publiko na huwag na munang bumili ng bigas

- Aniya, sabay-sabay na mag-diet para kalaunan ay ibaba din nila ang presyo ng bigas na matuturing na kabilang sa pangunahing bilihin sa bansa

- Kamakailan ay isang warehouse ang na-raid kung saan sako-sakong bigas ang nasa loob

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labadon dapat ay sabay-sabay na mag-diet muna ang lahat para mapilitang ibaba ang presyo nito. Aniya, wala na munang bibili ng bigas.

Rendon Labador sa tumataas na presyo ng bigas: " Utakan natin silang lahat"
Rendon Labador sa tumataas na presyo ng bigas: " Utakan natin silang lahat" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sa kanyang binahaging video ay sinabi niyang hindi daw dapat siya magsasalita tungkol dito pero aniya ay marami masyadong naapektuhan ay nagsalita na rin siya.

Simula ngayong araw, sabay-sabay po tayong magda-diet. Wala na pong bibili muna ng bigas hanggang sa mapilitan itong bumaba sa presyo ng abot kaya ng lahat. Magsama-sama po tayo ngayong araw para masulosyunan ang problema ng Pilipinas.

Read also

Luxe Slim CEO, natakbuhan noon ng Php14 million ng sariling kaibigan: "Ninang ng anak ko"

Aniya, hindi niya na kayang makita na marami ang nagugutom at naghihirap.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Kamakailan ay sinagot ni Rendon ang naging pahayag ni Ben Tulfo patungkol sa kanya. Aniya, namuti lang ang mata niya sa kakahintay sa gate nila ngunit walang dumating. Dagdag pa niya, siya na mismo ang pupunta sa Bitag kung ibibigay nila ang address nito. Matatandaang nag-ugat ang lahat ng umalma si Rendon sa post ni Michael V. na nagsasabing dapat malaman ng mga content creator.

Nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso. Nagkomento naman dito si Rendon at nagsabing makipag-usap sa kanya si Giselle para maintindihan daw kung paano siya mag-isip.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel