Jomar Lovena nag-sorry kay Veybillyn Gorens: "Walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba"

Jomar Lovena nag-sorry kay Veybillyn Gorens: "Walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba"

- Humingi ng dispensa si Jomar Lovena sa kanyang partner na si Veybillyn Gorens matapos ang sagutan nila ni Sachzna Laparan kamakailan

- Inihingi niya ng tawad ang nangyari at humingi din siya ng tawad sa lahat ng kanyang pagkukulang

- Pinasalamatan niya ito sa pagmamahal sa kanya ng sobra at ani Jomar ay siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang binuo nilang relasyon

- Humingi din siya ng tawad sa anak nila ni Veybillyn at nangako siyang magsisikap siyang maging mas mabuting ama sa anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi ng tawad si Jomar Lovena sa partner niyang si Veybillyn Gorens para sa nagawa niyang kasalanan at sa aniya'y pagkukulang niya. Pinasalamatan niya ito sa pagmamahal sa kanya ng sobra at ani Jomar ay siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang binuo nilang relasyon.

Read also

Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan

Jomar Lovena kay Veybillyn Gorens: "Walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba"
Jomar Lovena kay Veybillyn Gorens: "Walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba" (Jomar Lovena)
Source: Facebook
Salamat sa pag mamahal na binigay mo sakin VEYBILLYN SOBRA AKONG NAG PAPASALAMAT AT NAGSISISI SA LAHAT SORRY

Humingi din siya ng tawad sa anak nila ni Veybillyn at nangako siyang magsisikap siyang maging mas mabuting ama sa anak.

Gusto ko din humingi ng tawad Sa anak ko.. BABY SETY sorry sa nangyari sa family natin.. kung nasira ni papa. Pangako anak mas magiging better si papa para sayo at sa future na tatahakin mo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Jomar Lovena kay Veybillyn Gorens: "Walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba"
Jomar Lovena kay Veybillyn Gorens: "Walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba" (Jomar Lovena)
Source: Facebook

Si Jomar Lovena ay isang YouTuber sa Pilipinas. Nakilala ang tambalan nila ng isa pang YouTuber na si Sachzna Laparan. Gayunpaman, napagkasunduan nilang itigil ang kanilang paggawa ng mga content na magkasama. Kasunod nito ay pinakilala nila ang kanilang mga karelasyon.

Matatandaang kamakailan ay ipinakilala ni Jomar ang kanyang kasintahang si Veybillyn Gorens. Kasunod nito ay naibahagi niya ang tungkol sa pagdadalantao nito. Sa pinakahuling vlog naman ni Jomar ay ibinahagi niya ang video ng araw kung saan ipinanganak ni Veybillyn ang kanilang anak.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Lovena at Sachzna matapos nilang magkaroon ng sari-sariling karelasyon. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel