Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan

Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan

- Nagsalita na si Jomar Lovena kaugnay sa issue ng sagutan nina Sachzna Laparan at Veybillyn Gorens

- Nilinaw ni Jomar na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna at lahat ng kanilang ginagawa ay para lang sa content

- Kahit noon pa man daw na magkasama sila sa paggawa ng vlogs ay para lang daw talaga sa vlog ang lahat at para mapasaya ang supporters nila

- Humingi siya ng tawad tawad sa aniya'y mga taong nasaktan at nagalit dahil sa nangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Iginiit ni Jomar Lovena na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan. Ito ay matapos magkasagutan sa social media sina Sachzna at ang partner niyang si Veybillyn Gorens.

Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan
Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan (@sachzna)
Source: Instagram

Inihingi ni Jomar ng dispensa sa mga taong nagalit at nainis sa nangyari. Aniya, naiintindihan niya ang mga reaksiyon ng taong sangkot.

Read also

China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"

Alam kong madaming nainis at naasar sa nangyari samin. gusto ko lang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan at nagalit naiintindihan ko kayo lahat.

Kahit noon pa man daw na magkasama sila sa paggawa ng vlogs ay para lang daw talaga sa vlog ang lahat at para mapasaya ang supporters nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sasabihin ko nadin po na wala po talagang namagitan samin ni SACHZNA kahit dati pa na mag kaloveteam kaming dalawa lahat ng ginawa namin is para lang sa work at mapasaya namin yung mga sumusuporta samin

Nilinaw niya rin na trabaho at charity work lamang ang pinunta nila nina Sachzna at iba pang kasama nila sa Siargao kamakailan.

Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan
Jomar Lovena, nilinaw na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan (Jomar Lovena)
Source: Facebook

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017). Kamakailan ay naging usap-usapan din ang umano'y hiwalayan nila ni Jerome Ponce kasunod ng pag-unfollow nila sa isa't-isa.

Read also

Rendon Labador, sinita ang 'Ka-Wonder' Family vlog sa content nito

Nagbahagi si Sachzna Laparan ng isang picture kung saan makikita ang quote tungkol sa manipulation . Ito ay sa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Jerome Ponce kasunod ng kanyang binahaging video na "docuweek" . Bukod pa dito ay nag-unfollow na sila ni Jerome Ponce sa isa't-isa sa kanilang Instagram .Gayunpaman, wala pa silang direktang pag-amin kaugnay sa estado ng kanilang relasyon.

Masayang Sachzna Laparan ang makikita sa bagong Instagram post niya na kuha sa kanyang Singapore trip. Makikita sa kanyang post na tumatawa ito kasama ang mga kaibigan at sa kanyang caption ay nakalagay ang "so far, so good" . Ito ay ilang araw lamang matapos niya ibahagi ang video kung saan makikitang umiiyak siya at nagtatanong kung ano ang kulang sa kanya .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel