May-ari ng singsing sa viral #FindLetty post, natagpuan na

May-ari ng singsing sa viral #FindLetty post, natagpuan na

- Natagpuan na ng mag-asawang sina Fritz at Sheine ang may-ari ng singsing na kanilang nakita

- Agaw-eksena ang naturang post lalo na at may pangalang nakaukit sa singsing at petsang "May 18, 1969"

- Dahil sa hashtag ng post na #FindLetty, mabilis na nahanap si "Letty" na misis ng may-ari ng singsing

- Katunayan, ang kaparehas na singsing na ang nakaukit naman ay "Avel" ang siyang nasa necklace naman ni Letty

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natagpuan na ng mag-asawang sina Sheine at Fritz Sapon ang may-ari ng singsing na kanilang natagpuan sa restroom ng isang coffee shop.

May-ari ng singsing sa viral #FindLetty post, natagpuan na
Ang singsing nina "Avel" at "Letty" (Fritz Sapon)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na noong April 26, nai-post ni Fritz ang tungkol sa singsing at sinamahan niya ito ng hashtag na #FindLetty.

“Based on the details in the ring, it could be a wedding ring of someone who has been married for a long time, thus, it might have sentimental value,” ani Fritz nang makita ang nakaukit na pangalang "Letty" sa singsing at may petsang "May 18, 1969"

Read also

Ama, pumanaw ilang araw matapos mabigay ang huling surpresa sa anak

Sa tulong ng mga netizens na nai-share ang naturang post, nakatanggap umano sina Fritz ng mensahe mula sa nagpakilalang daughter-in-law ni Letty.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Her daughter-in-law messaged us yesterday. She shared that Mommy Letty washed her hands in the restroom and didn’t notice that the ring slid off her finger. Aside from the name on the ring, there is a date also inscribed. Not only was she able to confirm the date, even the Starbucks receipt meron pa sya! God is good!" ani Fritz bilang update sa naunang post.

Ang may-ari pala umano ng singsing ay ang mister ni Letty na si Avel subalit pumanaw na ito noong taong 2000.

Si Letty na ang nagsusuot ng singsing habang ang kaparehas nitong singsing na may nakaukit na pangalang "Avel" ay suot naman niya sa kanyang necklace.

Read also

Cristy sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie: "Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa"

"If you’re holding on to something that old, mag-54 years na po this May, masakit na mawala ito. Kaya it’s an honor for us to have returned the ring to its rightful owner," ani Fritz na masayang naibalik agad ang singsing na sumisimbolo sa buhay na pagmahahal ni Letty kay Avel.

Narito ang kabuuan ng post:

Kamakailan ay umantig din sa puso ng netizens ang kwento ng event organizer tungkol sa naging customer nitong pumanaw ilang araw matapos na isurpresa ang kanyang anak.

Kwento ni Ymer Gallejos, labis silang nalungkot nang ang kanilang naging kliyente na si Kuya Pidot ay sumakabilang buhay na halos tatlong araw mula nang maisagawa ang car trunk surprise para sa anak nitong si Trexia.

Noo'y nabanggit pa ni Kuya Pidot na maaring hindi siya makapunta sa aktwal na pagsurpresa nina Ymer sa kaarawan ni Trexia.

Kaya naman, maging ang event organizer ay natuwa nang nagawan ng paraan ni Kuya Pidot na makauwi upang masaksihan ang pagbibigay ng kakaibgan regalo sa anak. Iyon pala, iyon na ang huling surpresang maibibigay niya rito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel