Cristy sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie: "Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa"

Cristy sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie: "Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie Padilla

- Sa naturang post, mahihinuha ang umano'y hirap sa pagiging ina at ama ni Kylie sa mga anak

- Tila lumalabas daw na wala umanong maayos na suporta si Aljur sa mga anak nila ni Kylie

- Gayunpaman, nasabi ni Cristy na sa mga ganitong usapin, sana'y sina Kylie at Aljur na lamang ang nag-uusap at 'di na ito isinasapubliko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode nila ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa bagong cryptic post umano ni Kylie Padilla.

Cristy sa umano'y bagong cryptic post ni Kylie: "Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa"
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naturang post ay tungkol sa pagiging single mom ni Kylie sa umano'y hirap ng pagiging isang single mother.

Read also

Vice Governor Mark Leviste, ibinahagi ang picture niya kasama sina Kris Aquino at Kim Chiu

"Single motherhood is difficult. I don’t want to mince words huhu but today I miss my kiddos EXTRA! I’m trying to find so many ways to explain to them why mama is always away and always tired," ani Kylie sa kanyang post.

"I think I’m ready to mom again, I’ve been dad for quite sometime now huhuhu. BUT Grateful for the blessings always... Laban mga ina!" dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang komento ito nina Cristy lalo na at muling napag-usapan na naman ito ng mga netizens.

"Parang wala talagang naitutulong si Aljur sa paglaki ng mga bata. Pero alam mo, kung kilala ko ang pamilya Abrenica, hindi naman papayag si Daddy Jojo at ang kanyang ina na walang maibigay si Aljur sa kanyang mga anak," ani Cristy.

Read also

Ogie Diaz, wala umanong natanggap na pakikiramay mula sa LizQuen

Gayunpaman, mas mainam daw umano kung sina Kylie at Aljur na lamang ang nag-uusap ukol dito at hindi kailangan pang isapubliko.

"Sila lang naman ang dapat na mag-usap at makakaresolba dito. Hindi sila matutulungan ng mga nakakabasa."

"Sa totoo lang, dinadagdagan lang nila ang pag-iisip ng ating mga kababayan" giit pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kylie Padilla ay isang modelo at aktres sa Pilipinas. Siya ay anak ni Robin Padilla. Ikinasal si Kylie kay Aljur noong Disyembre 2018 subalit nagdesisyong maghiwalay noong 2021. Nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Alas at Axl.

patuloy naman na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang mahigit 320,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel