In-person classes, maaring maging distance learning dahil sa init ayon sa DepEd

In-person classes, maaring maging distance learning dahil sa init ayon sa DepEd

- Nagbigay abiso na ang Department of Education kaugnay sa daing ng mga mag-aaral at teachers na dumaranas ng matinding init sa paaralan

- Ayon kay Deped Spokesperson Michael Poa, maaring magsuspinde o magbalik sa distance learning ang mga paaralan

- Ito ay nakaayon sa tindi ng init na nararamdaman sa isang eskwelahan o dahil sa power outage sa nararanasan din sa ilang lugar

- Matatandaang nito lamang Marso, 83 na mga estudyante ang naospital nang magsagawa ng earthquake drill sa Laguna na hindi umano kinaya ang init sa pag-evacuate

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maari umanong masuspinde o magbalik sa distance learning ang mga klase dala ng sobrang init na nararanasan ngayong summer.

In-person classes, maaring magbalik sa distance learning dala ng sobrang init ayon sa DepEd
Department of Education (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naglabas na umano ang Department of Education ng memorandum sa mga pampubliko at maging sa mga pribadong paaralan sa bansa kaugnay dito.

Read also

Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, nasasaad sa naturang memo na maaring gawin ang mga nasabing hakbang sa mga paaralan depende sa tindi ng init na nararansan doon.

"In cases of unfavorable weather and environment such as, but not limited to, extremely high temperatures which may considerably affect the conduct of classroom learning and put the learners’ health and wellbeing at risk," ang bahagi ng nasabing memo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon din sa ulat ng GMA, nasabi umano ni Poa na ang school heads na ang siyang magdedesisyon ng magiging sistema ng klase sakaling hindi kayanin ng mga mag-aaral lalo na iyong nasa 50 pataas ang bilang sa isang classroom na hindi sasapat sa nasabing bilang.

"Iba-iba po kasi ang situation ng ating mga paaralan. Kaya school heads po ang magde-determine. Ayaw rin po nating makaapekto sa kalusugan ng ating mga learners ang napakainit na panahon. Kaya po pinaalalahan natin ang mga school heads na maaari silang mag-switch agad sa ADMa," giit ni Poa.

Read also

Cristy, sa umano'y nanghila ng buhok ni Vice sa Canada: "Masakit 'yun"

Sa ulat ng Inquirer, sinabing una nang iminungkahi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) naibalik sa pre-pandemic school calendar ang klase gayung hindi umano handa ang mga paaralan partikular na ang mga public schools sa init na nararanasan tuwing summer.

Matatandaan na nito lamang Marso, 83 na mga estudyante ang naospital sa Cabuyao, Laguna dala ng matinding init habang isinasagawa nila ang pag-evacuate na bahagi ng earthquake drill. Ito ang iniiwasang mangyari muli ng DepEd lalo na at ngayong Mayo nakatakdang ideklara ang El Niño sa bansa.

Narito ang kaugnay na ulat mula sa TV Patrol:

Noong Agosto 22 ng 2022, nagbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong eskwelahan makalipas ang dalawang taon.

Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa ng face to face classes, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante.

Read also

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

Dahil dito, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makakapagklase na may regular bilang ng mga estudyante ngayong summer. Kaya naman ngayon pa lamang inilalabas ang iba't ibang mga hakbang kung paano maipagpapatuloy ang pag-aaral sa kabila naman ng matinding init na nararanasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica