Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya

Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya

- Nagbahagi ng update si Kim Chiu sa kalagayan ng kanyang Ate Lakam na naibahagi niyang nasa ICU kamakailan

- Humingi siya ng dispensa na hindi siya nakasagot sa mga messages umano sa kanya at naibahagi niyang wala na sa ICU ang kanyang ate

- Hinihintay umano nila na muli itong magkamalay habang nasa normal room na

-Nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal para sa kanila at hiling niya rin na sana ay ipagpatuloy ang pagdadasal para sa kanyang ate

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-sorry si Kim Chiu dahil hindi na daw niya nasagot ang mga messages sa kanya ngunit wala na raw sa ICU ang kanyang Ate Lakam. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal para sa kanila at hiling niya rin na sana ay ipagpatuloy ang pagdadasal para sa kanyang ate.

Read also

Ivana, labis na napasaya si Mama Alawi nang dalhin niya ito sa France

Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya
Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Hinihintay umano nila na muli itong magkamalay habang nasa normal room na.

Thank you for all your prayers for my ate Lakam. Sorry I was not able to reply to each one of you. She is out of ICU last night. She is transfered to a normal room. We are waiting for her consciousness to regain. salamat po for praying. Tuloy po sana tayo sa pagdadasal. Thank you po sa inyong lahat.
Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya
Kim Chiu, binahaging hinihintay pa nilang muling magkamalay ang ate niya (@chinitaprincess)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nitong pagdiriwang niya ng kanyang birthday ay hiling niya lamang ay dasal para sa ate Lakam niya.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Donnalyn, naiyak nang maalala ang laman ng wallet nang unang bumalik sa Pinas

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel