Cristy, sa umano'y nanghila ng buhok ni Vice sa Canada: "Masakit 'yun"

Cristy, sa umano'y nanghila ng buhok ni Vice sa Canada: "Masakit 'yun"

- Nagbigay paalala si Cristy Fermin sa mga manonood ng live shows kaugnay sa nangyari kay Vice Ganda

- Nakunan ng video ang umano'y paghila ng buhok ng isa sa mga audience nito sa show niya sa Edmonton, Canada

- Kalmadong kinumpronta ni Vice ang umano'y couple na nagawa ito sa kanya

- Sumang-ayon si Cristy na mali ang nagawa ng couple kay Vice na hindi dapat gawin kahit sinomang entertainers na bagama't binabayaran ang show, 'di dapat mabastos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaalalahanan ni Cristy Fermin ang mga taong nakakapanood ng mga live shows ng artista o anumang uri ng performers.

Cristy kaugnay sa paghila ng buhok ni Vice Ganda sa isang show: "'Wag naman po silang sasaktan"
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa naganap na panghihila umano ng buhok ni Vice Ganda na nagawa umano ng magkasintahang nanood sa kanyang show sa Edmonton, Canada noong April 16.

Read also

Vice Ganda, nagtanong ng detalye ng surrogacy kay Joel Cruz ayon kay Ogie D

Nakunan umano sa video ang naturang insidente kung saan, kalmadong kinompronta ni Vice ang magkasintahan.

"You don’t do that, that's very rude. I am trying to give a you wonderful time but don’t hurt me, 'di ba? That’s not right. We have to be friends here. Don’t hurt me... This guy is very rude. You andyour girlfriend, both of you are rude," ang nasabi ni Vice.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, sumang-ayon si Cristy na mali umano ang nagawa ng couple at hindi dapat pamarisan nino man. Nasabi niyang masakit umano ang nagawa kay Vice lalo na at alam naman ng lahat na pawang nakasuot ito ng wig.

"Intindihin din po natin ang mga performers. Sila po ay nagbibigay sa atin ng magandang show kahit ilang oras lang para tayo ay mapaligaya. 'Wag naman po silang sasaktan. Binabayaran po ang mga performers, pero hindi po kapalit ng bayad ang pananakit," ani Cristy.

Read also

Dingdong Dantes, nilahad ang bersyon niya ng "naka-prepaid ka lang" na kwento ni Marian

"May talent fee pero hindi po kabayaran 'yan sa pambabastos, pananakit, paninira," giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.47 million subscribers.

Kamakailan, talagang naging usap-usapan ang pagkakaroon nina Vice at Ion ng mamahaling aso na nagkakahalaga ng Php380,000. Maging si Cristy Fermin ay wala umanong nakitang masama sa ginawa na ito nina Vice at Ion na nakamura na raw sa pagbili ng naturang aso na nagbigay pa ng labis na kaligayahan sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel