Rendon Labador, sinabing ililibre niya ng drinks ang mga Coco fans sa kanyang bar opening

Rendon Labador, sinabing ililibre niya ng drinks ang mga Coco fans sa kanyang bar opening

- Bago pa magbukas muli si Rendon Labador ng kanyang resto bar ay sinabi niyang ililibre niya ng drinks at entrance ang mga fance ni Coco Martin

- Ito ay matapos niyang sabihing pinersonal siya ng mga Coco fans kaya walang bumili ng ticket sa kanyang opening

- Aniya, ito ay para patunayan na business lamang ang ginagawa niya at walang personalan

- Nitong nakaraang Biyernes at Sabado ang muling pagbubukas ng resto bar ni Rendon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Rendon Labador, dapat ay huwag siyang personalin ng mga tagahanga ni Coco Martin. Sa pagbukas muli ng kanyang resto bar ay sinabi niyang libre na ang entrance at drinks ng mga Coco fans para patunayan na walang personalan.

Rendon Labador, sinabing ililibre niya ng drinks ang mga Coco fans sa kanyang bar opening
Rendon Labador, sinabing ililibre niya ng drinks ang mga Coco fans sa kanyang bar opening (Rendon Labador)
Source: Facebook
Babangon tayo ng mas malakas! Para malaman ninyo na business lang at walang personalan. Sa lahat ng Coco fans ililibre ko na ang entrance ninyo at free unlimited drinks pa! Para sa inyo ang party na ito #CocoFansParty #stayMotivated

Read also

Lahat ng commercials ni Coco Martin, lumipat na sa TVJ - Cristy Fermin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang bago pa siya muling magbukas ng kanyang resto bar ay sinabi niyang pinersonal siya ng Coco fans at walang bumili ng ticket para sana sa naunang schedule ng grand opening. Dahil dito ay pansamantala niyang isinara ang resto.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel