Makulit na paglalako ng tinderang may pasabog kung 'di bibilhan, kinagiliwan online

Makulit na paglalako ng tinderang may pasabog kung 'di bibilhan, kinagiliwan online

- Viral ang post ng isang tinderang may pasabog kung hindi siya bibilhan ng paninda

- Ipinakita niya ang screenshot ng umano'y halimbawang convo nila ng kanyang tagret customer

- Aniya, effective naman daw ang strategy niya na ito dahilan para mabenta ang kanyang paninda

- Matatandaang nag-viral din kamakailan ang larawan ni Jim Morales na nakasuot ng toga sa pagpunta niya sa Japan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bentang-benta raw ang kanyang paninda dahil sa kakaibang marketing strategy ng netizen na si Tracy Moore.

Makulit na paglalako ng tinderang may pasabog kung 'di bibilhan, kinagiliwan online
Ng paninda ni Tracy (Tracy Moore)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay nag-viral ang post ni Tracy sa kung paano niya maibenta ang mga paninda.

"Sorry po gipit lang," ang makulit na caption ni Tracy sa kanyang post.

Makikita rin na mayroon umanong pasabog si Tracy na pambibisto sa customer kung hindi ito bumili.

Read also

Toni Fowler, nasabihang isnabera matapos tanggihan ang ilan na gustong magpa-picture

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sige 5 balot. Deliver mo na agad para mapayapa. Ano pang tinda mo diyan," ang bahagi ng reply umano ng customer.

Ayon pa kay Tracy, effective umano ang kanyang makulit na paraan ng pagbibenta at nauubos naman daw ang mga ito agad-agad.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Kamakailan ay nag-viral din ang post ng isa sa mga aktor ng He's Into Her na si Jim Morales.

Suot kasi ni Jim ang kanyang toga sa pagpunta sa Japan. Kinuhaan niya ang kanyang sarili sa airport pa lamang sa Pilipinas. At nang makarating sa Japan, nagpasalamat umano siya sa Immigration ng Pilipinas dahil nakalusot siya at hindi na-miss ang kanyang flight.

May kaugnayan umano kasi ito sa nag-viral din kamakailan ang isang babaeng na-miss ang flight niya dahil umano sa dami ng katanungan ng immigration officer.

Read also

Toni Fowler, sinorpresa si Tyronia ng trip to Singapore para sa birthday nito

Isa na rito ang kanyang toga picture at yearbook bilang patunay na ito raw umano ay nagtapos.

Dahil dito, sunod-sunod din na nag-post ang mga netizens ng kanilang toga picture upang may madaling maipakita sa immigration sakaling sila ay bibyahe gayung isa pala raw ito sa mga itinatanong.

Samantala, dahil sa kinailangang mag-rebook ng flight ang naturang pasahero, napagastos muli ito para sa kanyang ticket at iba pang bayarin sa airport. Hiling niyang mabigyan siya ng tulong pinansyal dahil sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel