Puregold naglabas ng statement sa viral video: "We really feel bad para kay Tatay"

Puregold naglabas ng statement sa viral video: "We really feel bad para kay Tatay"

- Naglabas ng pahayag ang Puregold kaugnay sa viral na video ng isang lalaki na tinitingnan ang laman ng kanyang bag

- Pinagbintangan daw ito na may kinuhang bagay mula sa loob kaya hinarang siya sa exit

- Maririnig naman ang sinasabi ng matandang lalaki na dismayado siya dahil hinintay pa daw siyang makarating doon kung saan maraming tao ang nakakakita gayong pwede naman siyang harangin kaagad

- Napatunayan nito na wala siyang kinuha matapos niyang ilabas isa-isa ang laman ng kanyang bag

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang matandang lalaki na hinarang para inspeksiyunin ang loob ng kanyang bag. Pinagbintangan daw itong may ninakaw mula sa store.

Puregold naglabas ng statement sa viral video: "We really feel bad para kay Tatay"
Puregold naglabas ng statement sa viral video: "We really feel bad para kay Tatay" (@quarantinemanlocdowngirl)
Source: TikTok

Binahagi ng TikTok user na si @quarantinemanlocdowngirl ang video na kuha sa aniya'y pambibintang sa kanya ng dalawang babae na nagtatrabaho sa Puregold.

Read also

Toni Fowler, kinabahan sa operasyon dahil nagkaproblema sa health niya

Sa isang video ay inilalabas niya ang kanyang sama ng loob na umabot siya sa kanyang edad na 60 taong gulang at ngayong lang daw siya napagbintangang nagnakaw.

Pinagbintangan ako ng Puregold Muntinlupa na may nilagay daw ako sa bag ko at kahit di totoo ayaw akong pauwiin kung di lalabas lahat ang nasa bag.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, bumili siya ng deodorant at binuksan lamang niya ang kanyang bag para kunin ang isang deodorant niya na wala nang laman.

Dagdag pa niya, sana ay agad na siyang tinanong paglabas niya kung pinagdududahan siya at hindi na hinintay na makarating siya sa exit kung saan maraming tao ang nakikiusyuso mula sa labas.

Magpapa-blotter daw siya dahil sa pamamahiya sa kanya at para na rin sa kanyang proteksiyon.

I will report a blotter to the Police Station and in our Barangay for my namesake and for protection

Read also

Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo

Sa nilabas na pahayag ng Puregold ay humingi sila ng dispensa.

Mga ka-Puregold, we saw and we heard it all. Sorry. We really feel bad para kay Tatay and how the situation was handled. This puts the pain in striving to be panalo
Please know that this incident is being dealt with privately, with kindness and patience. We ask that you allow us to learn from this and improve.

Matatandaang umani din ng simpatya ang pag-viral ng kwento tungkol sa pinakulong na 80 anyos na matanda dahil sa umano'y pagkuha nito ng mangga. Ang korte ay may ipinataw na piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ibinahagi ng Asingan Police Station ang video ng pansamantalang paglaya ni Lolo Narding Floro, ang 80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng manggang siya naman daw ang nagtanim. Dumagsa ang mga nais na magbigay ng piyansa sa matanda subalit mayroon nang nakapagpiyansa para sa kanya. Kaya naman ang mga nalikom na tulong na dumagsa para kay Lolo Narding ay magagamit niya sa pang-araw araw lalo na at namumuhay na raw pala itong mag-isa.

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan ang mga nangumusta sa kanya: "Appreciate it so much!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate