Toni Fowler, kinabahan sa operasyon dahil nagkaproblema sa health niya

Toni Fowler, kinabahan sa operasyon dahil nagkaproblema sa health niya

- Binahagi ni Toni Fowler ang isang mini-vlog na kuha sa ospital nang siya ay operahan

- Aminado siyang kinakabahan siya dahil iba daw ang pakiramdam na ooperahan para magpaganda sa ooperahan dahil sa problema sa kalusugan

- Aniya, nalulungkot siya na magkakaroon siya ng maraming tahi sa kanyang tiyan

- Tinanggalan din siya ng gall stones at gall bladder pagkatapos niyang sumailalim sa endoscopy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Toni Fowler na kinabahan siya sa operasyon sa kanya. Sa kanyang binahaging video ay sinabi niyang iba daw ang pakiramdam na ooperahan para magpaganda sa ooperahan dahil sa problema sa kalusugan

Toni Fowler, kinabahan sa operasyon dahil nagkaproblema sa health niya
Toni Fowler, kinabahan sa operasyon dahil nagkaproblema sa health niya (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sinabi daw sa kanya na magkakaroon siya ng maraming tahi sa tiyan dahil sa operasyon na gagawin sa kanya.

Unang ginawa sa kanya ay endoscopy kung saan nakitaan ng problema sa kanyang panunaw, ngunit susuriin pa umano siya para mas malaman ang problema nito.

Read also

Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo

Tinanggalan din siya ng gall stones at gall bladder.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay social media influencer at vlogger na nakilala bilang lider ng ToRo family. Kasama niya dito ang kanyang kapamilya at kaibigan at magkakasamang gumagawa ng mga content. Bukod sa vlogging ay mayroon ding naipundar na negosyo si Toni. Kamakailan nga ay naging bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel