Miss Glenda, pumalag sa aniya'y story maker na naninira sa kanya

Miss Glenda, pumalag sa aniya'y story maker na naninira sa kanya

- Inalmahan ni Glenda dela Cruz ang aniya'y gawa-gawang kwento tungkol sa kanya para umano siraan siya

- Sinabi umano ng taong ito na hindi na niya pinangalanan na hindi daw na-approve ang loan niya

- Ani Miss Glenda, hindi naman siya mapagmataas ngunit hindi niya kailangan mag-loan kahit P100 M pa daw

- Si Glenda dela Cruz ang CEO ng Brilliant Skin Essentials na kamakailan ay nagkaroon ng concert para sa pagdiriwang ng anniversary ng kanyang kompanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Glenda dela Cruz matapos umano siyang gawaan ng kwento para siya ay siraan. Aniya, sinabi ng taong kanyang tinutukoy na hindi na-approve ang loan niya.

Miss Glenda, pumalag sa aniya'y story maker na naninira sa kanya
Miss Glenda, pumalag sa aniya'y story maker na naninira sa kanya (@iammissglenda)
Source: Instagram
Sa mga story maker, wala po akong UTANG at HINDI ko po kailangan umutang. ♥️Ganyan naba talaga kayo ka DESPERADA para siraan ako?

Read also

Brenda Mage, pinakilala si Bryan Roy Tagarao sa kanyang ika-34 na kaarawan

Nilinaw niyang hindi naman siya mapagmataas ngunit hindi naman daw niya kailangan mag loan.

Grabe. Ichika ba naman na di na-approve loan "daw"? Hahaha! Kaloka. Hindi ako mapagmataas pero diko need mag loan kahit 100M pa yan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Glenda Dela Cruz ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto. Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers laban kay Andrea, naniniwala umano si Miss Glenda na hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nandyan nung walang-wala pa siya. Aniya, kahit noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo ay hindi nag-atubili si Andrea na tanggapin ang alok na maging endorser ng kanyang produkto kahit sikat ang aktres dahil ito ay naganap noong sikat na sikat ang "Kadenang Ginto."

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto. Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Instagram story. Naging endorser na rin si Jillian ng naturang produkto ngunit ngayon lamang pormal na naging "Face of #PerfectlyBrilliant" matapos mailagay ang kanyang picture.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel