Boy Tapang, humingi ng dispensa dahil aniya ay nagpadala sa content

Boy Tapang, humingi ng dispensa dahil aniya ay nagpadala sa content

- Nag-sorry si Boy Tapang sa kanyang mga followers sa nangyari kaugnay sa pinakilala niyang girlfriend niya

- Aniya, nadala siya sa kagustuhang magkaroon ng content ngunit napagtanto umano niyang masakit na marami ang sumusuporta sa kanyang buhay pag-ibig gayong hindi naman totoong girlfriend niya ang pinakilala niya

- Isa umano ito sa dahilan kung bakit niya napagpasyahang itigil ang paggawa ng content tungkol dito

- Aniya, hindi niya kayang magpanggap at hindi din daw niya deserve ang isang toxic na babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-sorry si Boy Tapang a.k.a Ronnie Suan sa mga tagasuporta niya dahil aniya ay nadala lang siya sa content. Aniya, hindi niya kayang magpanggap at hindi din daw niya deserve ang isang toxic na babae.

Boy Tapang, humingi ng dispensa dahil aniya ay nagpadala sa content
Boy Tapang, humingi ng dispensa dahil aniya ay nagpadala sa content (facebook.com/BoyTapangg)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook ay binahagi niyang nasaktan umano siya na marami ang sumuporta sa kanya nang ibahagi niya ang girlfriend reveal video. Aniya, nadala siya sa kagustuhang magkaroon ng content ngunit napagtanto umano niyang masakit na marami ang sumusuporta sa kanyang buhay pag-ibig gayong hindi naman totoong girlfriend niya ang pinakilala niya.

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

Aniya, marami ang sumuporta sa kanila at hindi niya umano matiis magpanggap.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sorry, guys, nagpadala ako sa content. Isa sa rason bakit ko tinigil kasi 'di ko kaya magpanggap na fake love at toxic na babae. Hindi ko deserved 'to,"
Boy Tapang, humingi ng dispensa dahil aniya ay nagpadala sa content
Boy Tapang, humingi ng dispensa dahil aniya ay nagpadala sa content (facebook.com/ThePrideOfAlcoyBoxing)
Source: Facebook

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Read also

Ogie Diaz, sinabing walang ideya si K Brosas bakit wala na ang interview sa kanya ni Toni G

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online .Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel