Lolo at lola na dating magka-textmates, nagpakasal noong Araw ng mga Puso
- Sa kasalan din nauwi ang pagiging text mates ng senior citizens na may edad 68 at 69
- Bagama't magkalayo, nagsakripisyo na rin ang lola na lisanin ang kanyang lugar upang makasama ang kanyang bagong mister
- Tanggap naman ng tatlong anak ng lola ang pagpapaksal ng kanilang ina at ang pagpunta sa Occidental Mindoro mula Cavite
- Taong 2020 pa nang magka-text ang dalawa hanggang sa nauwi na ito sa pag-iisang dibdib
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Masasabing walang pinipiling edad ang pag-ibig at pagpapakasal na pinatunayan nina Marilou Castañeda, 69-anyos at ng 68-anyos na si Armando Ramos ng Sablayan, Occidental Mindoro.
Nalaman ng KAMI na kasama sila sa 105 na magkasintahang ikinasal ng alkalde ng Sablayan Walter “Bong” Marquez sa mass wedding na ginanap noong Valentine's Day.
Sa ulat ni Dennis Datu ng ABS-CBN, taong 2020 nang magka-text umano ang dalawa.
Binigay ng isang kaibigan ni Lolo Armando ang numero ni Lola Marilou na isang biyuda at may tatlong mga anak.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bagama't magkalayo, nagawan nila ng paraan na magkita bagay na lalong nagpatatag ng kanilang relasyon dahil mas nabighani umano si Lolo Armando sa kanyang text mate.
Hanggang sa magdesisyon na nga ang dalawa ng magpakasal upang mas mapagtibay ang kanilang pagmamahalan.
Katunayan, ibinenta pa umano ni Lola Marilou ang kanyang bahay sa Cavite upang tuluyang makapiling si Lolo Armando na naninirahan sa Sablayan.
Narito ang ilan sa mga kaganapan ng kanilang kasalan noong Araw ng mga Puso mula sa ABS-CBN News:
Sa nagdaang taon kung saan kasagsagan ng pandemya, ilang mga kwento ng kasalan ang kinagiliwan at hinangaan ng mga netizens.
Isa na rito ang ng kasalan nina Leziel at Julius Perea kung saan umabot sa Php1.8 million ang halaga ng mga natanggap nilang cash gift mula sa kanilang mga bisita. Kasama na rito ang isang milyong piso na mula naman sa kanilang mga magulang.
Hindi nalalayo ang kwento nina Leziel at Julius sa noo'y ikinasal sa Valenzuela City na sina Joven at May Jean Acosta nang makatanggap din sila ng Php1.2 million mula naman sa kanilang prosperity dance.
Samantala, hinangaan din kamakailan ang bagong kasal na Php3,000 lang ang nagastos sa reception dahil minabuti nila itong ganapin sa Mang Inasal. Gayundin ang isang bride na dahil ayaw na ng magarbong kasalan, niregaluhan na lang siya ng lupain na may sukat na 6000 sqm na lote ng kanyang napangasawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh