Antonette Gail sa kanyang bashers: "Make sure mas magaling kayong sumayaw sakin ha"
- Binahagi ni Antonette Gail ang isang video ng kanyang rehearsal sa dance number niya sa birthday celebration ni Meteor kamakailan
- Umani ng mga komento ang kanyang sayaw dahil ayon sa ilang netizens ay hindi ito angkop sa birthday ng anak
- Mayroon pang nagkomento sa paraan ng pagsasayaw niya ngunit hindi nagpaapekto si Antonette at palabang sinasagot ang mga komento
- Aniya, siguraduhin lang ng mga bashers niya na mas magaling silang sumayaw kesa sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post si Antonette Gail ng video ng sayaw niya. Kalakip nito ay sinabihan niya ang mga bashers na siguraduhin ng mga ito na mas magaling silang sumayaw kesa sa kanya.
Matatandaang umani ng mga komento ang kanyang dance number sa birthday celebration kamakailan ng anak nilang si Meteor na nagdiwang ng kanyang unang taong kaarawan.
Sa kabila ng mga komento ay tuloy lang si Antonette sa pagbabahagi ng kanyang mga dance videos. Pinagtanggol naman siya ni Whamos at sinabi nito na masaya siya sa naging performance ni Antonette dahil ito daw ang gustong ipakita ni Antonette.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.
Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.
Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh