Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

- Ibinahagi rin ng anak ng OFW na si Carmen ang nakamamanghang video ng ina

- Aniya, napagtapos siya at dalawa pa niyang kapatid ng kanyang masipag na nanay Carmen

- Maari na nga raw sanang hindi na magtrabaho pa ang ina gayung lahat silang magkakapatid ay may hanapbuhay na

- Subalit sadyang masipag at dedikado sa kanyang trabaho si Carmen hanggang siya ay makilala ng mundo dahil sa pagmamalasakit sa kapwa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud ang bunsong anak ng OFW na si Carmen sa kabutihan ng ina na makikita sa viral video nito.

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"
OFW Carmen (What Motivated You/ TikTok)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang anak ay Cyz Clarebel Daelo Maaliw na siyang nagkwento ng buhay nilang pamilya na mas lalong hinangaan ng marami.

Ayon kay Clarebel, napagtapos sila ng kanyang ina sa pagtatrabaho nitong bilang cleaner sa Canada.

Read also

Gardo Versoza, nagbiro matapos ang paglabas ng fake news na pumanaw na siya

Ngayon nga ay kasama na sila nito at buong pamilya na silang naninirahan sa nabanggit na bansa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, hindi na sana nila papayagan pang magtrabaho ang ina gayung lahat silang makakapatid ay mayroon nang hanapbuhay.

Subalit sadyang masipag at dedikado ang ina sa kanyang ginagawa kaya naman hinayaan pa rin nila ito sa nais gawin,

Ngayon, inspirasyon na ng marami ang ina matapos na mag-viral ang video nito sa 'What Motivated You.'

Ito ay dahil sa tumanggi siya sa $100 na bigay sana sa kanya ng vlogger na namangha rin sa kwento ng kanyang buhay.

Ayon kay Carmen, ibigay na lamang ang naturang halaga sa mga 'homeless' na mas higit na nangangailangan nito.

Narito ang kabuuan ng post ng kanyang anak:

Nakatutuwang isipin na patuloy na nakikila ang kababayan nating Pilipino sa ibang bansa hindi lamang sa angking galing nila kundi pati narin ang pagiging isang mabuting tao.

Read also

Brenda Mage, tinulungan din ang kanyang pinsan na magkabahay

Lalo na ang mga kababayan nating OFW na bukod sa kasipagan ay kinakikitaan ng dedikasyon sa trabaho at pagmamalasakit sa kapwa kahit pa sila'y dayuhan sa kinaroroonang bansa.

Dahil dito, ang ilan ay nabibigyan pa ng magandang buhay ng kanilang mga amo na pati ang kanilang pamilya ay binibiyayaan kahit nasa Pilipinas.

Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.

Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica