Brenda Mage, tinulungan din ang kanyang pinsan na magkabahay

Brenda Mage, tinulungan din ang kanyang pinsan na magkabahay

- Pinasalamatan si Brenda Mage ng kanyang pinsan matapos siyang tulungan ni Brenda na magkabahay

- Sa isang video ay pinakita ni Brenda ang bahay na pinatayo sa lupang kanyang nabili

- Tumulong siya sa pagbili ng mga materyales ng bahay ng pinsan niya at abot-abot ang pasasalamat sa kanya ng mag-asawa

- Naikwento ni Brenda na may isa pa siyang pinsan na nauna na niyang napagawaan ng bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang pinakita ni Brenda Mage ang bahay ng kanyang pinsan na nakatayo sa lupang kanyang binili. Abot-abot ang pasasalamat ng kanyang pinsan sa tulong niya maging sa pagbili ng materyales ng bahay.

Brenda Mage, pinagawaan din ng bahay pati ang kanyang pinsan
Brenda Mage, pinagawaan din ng bahay pati ang kanyang pinsan (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Hindi napigilang maiyak ng asawa ng kanyang pinsan nang makausap siya ni Brenda dahil sa tuwa nito at pasasalamat sa tulong ni Brenda sa kanya.

Read also

Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

Matatandaang maging ang mga kapatid at nanay niya ay naipaayos na rin ni Brenda ng bahay. Bukod dito ay nakapagpundar siya ng farmhouse sa kanyang farm na tinawag niyang Hinaguan farm.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel