OFW sa Canda na tumanggi sa $100 na ibinibigay ng vlogger, hinangaan ng marami
- Viral ngayon ang video ng isang OFW sa Canada na nagawang tanggihan ang $100 na iniaabot sa kanya ng isang vlogger
- Tubong Quezon province ang OFW at naikwento niyang dahil sa trabaho niya bilang cleaner, nasusuportahan niya ang kanyang pamilya
- Napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga anak na kasama na niya sa Canada
- Marami ang bumilib sa kanya at naging proud sa kanyang pagtanggi dahil lamang sa alam niyang mas marami pa ang nangailangan nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakaka-proud ang OFW sa Canada na si Carmen nang magpakita siya ng pagmamalasakit sa kapwa.
Nalaman ng KAMI na isa umanong vlogger sa nasabing bansa ang nagkunwaring natapon ang inumin upang mapalapit lamang ang cleaner na si Carmen sa lugar.
Agad namang nakita ni Carmen ang sitwasyon at dali-dali niyang nilinis ang natapong inumin.
Nang mausisa siya ng 'What Motivated You,' doon nasabi niyang tubong Quezon province siya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Siya ang breadwinner ng kanyang mga kapatid at maging ng tatlong anak.
Dahil sa kanyang trabaho, napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga anak na ngayo'y kasama na rin umano niya sa Canada.
Marahil ay na-inspire ang naturang vlogger kaya naman pilit niyang inaabutan ng $100.
Subalit mas lalo siyang humanga rito nang tumanggi si Carmen upang ibigay na lamang daw ng vlogger sa mas mahihirap ang kalagayan kaysa sa kanya.
Narito ang kabuuan ng video:
Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW na maganda ang sinapit ng buhay sa ibang bansa at ang iba naman ay sinusuwerte sa mababait na employer na pamilya na ang turing sa kanila.
Ang ilan, nabibigyan pa ng magandang buhay ng kanilang mga amo na pati ang kanilang pamilya ay binibiyayaan kahit nasa Pilipinas.
Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.
Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh