Zeinab Harake, niregaluhan ang sarili; "First Hermes ngayong 24 na ako"

Zeinab Harake, niregaluhan ang sarili; "First Hermes ngayong 24 na ako"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang napakamamahaling binili niya para sa kanyang sarili

- Ngayong 24-anyos na siya, 'nabudol' umano siyang bumili ng kanyahng pinakaunang Hermes bag

- Aniya, hindi siya sanay na bilhan ang sarili gayung sinisiguro muna niyang bilhan ang iba

- Ang halaga raw umano ng kanyang bag ay halaga na noon ng nagpupundar sa sasakyan o ng bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Super excited na ibinahagi ni Zeinab Harake ang nabili niyang regalo para sa sarili.

Zeinab Harake, niregaluhan ang sarili; "First Hermes ngayong 24 na ako"
Photo: Zeinab Harake
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na bihira lang umanong bilhan ni Zeinab ang sariliat talagang inuuna niya ang kailangan ng iba lalo na ng kanyang pamilya.

Subalit buhat ng maging 24- anyos na siya, naisipan niyang pagbigyan ang sarili.

"Talagang pinagdasal ko at ilang buwan na trabaho ko 'yung sinave ko para sa bag na 'to," ani Zeinab.

Read also

Singsing sa viral post ni Zeinab, galing umano kay Donnalyn Bartolome

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kasi nga gusto kong bilhan ng first Hermes 'yung sarili ko ngayong 24 na ako,"dagdag pa niya.

Ibinahagi rin niya ang aktwal na video ng pagbili niya ng bag na nilarawan niyang presyo na ng sasakyan o ng bahay noon.

"Bless mga Zebbies! Naka-Hermes na ang nanay niyo," ang makulit na nasabi ni Zeinab.

Sa naturang video, ibinahagi rin niyang si Donnalyn Bartolome ang nagbigay sa kanya ng misteryosong singsing na suot niya sa isa sa kanyang viral post.

Narito ang kabuuan ng kanyang unboxing video:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Read also

Post ni Zeinab Harake na tila ipinakikita ang suot na singsing, inulan ng "congratulations!"

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Ilan dito ay ang hiwalayan nila ng dating partner at ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee. Halos kasabay din nito ang pagsasapubliko ni Zeinab ng pagkawala ng kanya sanang ikalawang baby na napangalanan pa niyang si 'Moon.'

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel