Emosyonal na teacher sa harap ng klase, viral: "Love ko kayong lahat"
- Umantig sa puso ng netizens ang video ng isang teacher na naluha sa harap ng klase
- Makikitang tila paos ang teacher na gumamit na ng mikropono para lang makapagklase
- Ipinaliwanag niyang kahit hindi maganda ang pakiramdam, pumapasok pa rin para sa pagkatuto ng kanyang mga estudyante
- Umani na ng 8 million ang views ang orihinal na TikTok video ng viral teacher na na-upload ng isa sa kanyang mga estudyante
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-eksena sa social media ang video ng isang teacher na naluha sa harap ng kanyang mga estudyante.
Nalaman ng KAMI na labis din ang paghanga ng kanyang mga estudyante sa kanya lalo na at patuloy itong nagtuturo kahit kapansin-pansing paos siya nang araw na iyon.
Nakilala ang teacher na si Gwyneth Matibag, teacher ng Physics ng uploader na si Ronnel Mensenedez Roldan.
"Class ang aim ko lang to be a teacher, para kayo matuto. 'Di ba ang sabi ko sa inyo, kung meron mang dalawang tao na hindi maiinggit, pag kayo ay naging successful sa buhay sino? Magulang niyo at ang teacher niyo," ang emosyonal na nasabi ni Teacher Gwyneth.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Love ko kayong lahat... Lahat ng estudyante ko tawag ko anak," naluluhang nasabi pa niya.
Sa isa pang video na kuha pa rin ni Ronnel, makikitang ayaw lumiban ni Teacher Gwyneth na labis niyang ipinag-alala.
Kahit paos, gumawa siya ng paraan na maturuan pa rin ang kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng pagdadala ng microphone.
"Once a teacher, always a teacher," ayon pa kay Teacher Gwyneth.
Umabot na sa 8 million views ang isang video na na-upload din ni Ronnel sa TikTok tungkol pa rin kay Teacher Gwyneth.
Narito ang naturang video na ibinahagi rin ng News 5:
Sa pagbabalik eskwelahan nga ng mga bata buhat nang magpandemya, kanya-kanyang gimik din ang mga teachers tulad ni Teacher Gennie para lamang masigurong masaya ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral. Isa na rito ang kakaibang paraan ng pag-aattendance kung saan sa halip na 'present' ang sasabihin, 'Darna' sinasabi ng bata para malaman ng teacher na naroon siya.
Gayunpaman, may ilang tila hirap pa rin sa pagbabalik paaralan ng mga bata lalo na iyong mga magulang na labis na naapektuhan ng pandemya. Isa na rito ang nag-viral na liham ng isang magulang na ibinahagi ng teacher.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh