Pinoy sa Dubai, wagi sa lotto ng may katumbas Php223 million

Pinoy sa Dubai, wagi sa lotto ng may katumbas Php223 million

- Wagi sa lotto ang isang Pinoy sa UAE na may katumbas na Php 223 million

- Ang 34-anyos na multi-millionaire na ito ay isang storekeeper sa isang Brazillian restaurant sa Dubai

- Sa ngayon, wala pa umano siyang plano sa kung saan niya ilalaan ang napakalaki niyang premyo

- Isa lamang siya sa ilan na nating mga kababayan na naging milyonaryo sa UAE na talagang nabago ang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa na namang kababayan nating Pilipino ang nagwagi ng may katumbas na Php 223 million sa lotto.

Pinoy sa Dubai, wagi sa lotto ng may katumbas Php223 million
Russel Tuazon (The Filipino Times)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang masuwerteng 'multi-millionaire' na ito ay nakilalang Russel Reyes na tubong Mabalacat, Pampanga.

Sa panayam sa kanya ng the Filipino Times, unang beses lamang niya tumaya sa lotto kung saan ang winning combination niya ay mula sa mahahalagang numero ng kanyang pamilya.

“I selected the number 6 – month of my birthday, 29 – date of my birth, 34 – my age, 17- son’s birthday, 25 – sister’s birthday, and 22 is mother’s birth date,” ani Russel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Russel ay isang storekeeper ng isang Brazillian restaurant sa Dubai na may asawa at nabiyayaan na rin ng isang anak.

Siya ang pinakaunang nagwagi sa Emirates sa taong 2023. Sa ngayon, wala pa umano siyang maisip kung saan ilalaan ang pera lalo na at may kalakihan ito.

Taliwas sa pagdeklara ng mga nananalo ng Lotto sa Pilipinas, si Russel ay ipinakilala at na-interview pa.

Tila dumarami ang mga kababayan nating sinusuwerte sa lotto sa ibang bansa. Matatandaang napabalita rin ang isang pamilya na nasa Canada na hindi lang milyonaryo kundi naging mga bilyonaryo nang magwagi ng may katumbas na Php2.2 billion.

Sa kasagsagan naman ng COVID noong 2020, mapalad pa rin ang isa nating kababayan na nagwagi gamit ang pinakahuling pera niya. Emosyonal nitong naibahagi ang kanyang kwento dahil hindi niya talaga inaasahan na ang kahuli-hulihan niyang salapi ang babago pala ng kanyang buhay.

Samantala, napasayaw daw noon sa tuwa ang Filipino couple sa Canada na sina Liezl Panganiban and Edgar Ebreo nang manalo sa lotto ng halagang $675,000 o katumbas Php32.3 million.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ang mag-asawa sa lotto. Noong Setyembre ng 2020, una na silang pinalad sa Lotto 6/49 at nakatanggap na ng $500,000.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel