Indian passenger ng eroplanong nag-crash sa Nepal, na-FB Live ang mga huling sandali

Indian passenger ng eroplanong nag-crash sa Nepal, na-FB Live ang mga huling sandali

- Nagawa pa umanong makapag-Facebook Live ng isa sa mga pasahero ng Yeti Airlines bago ito mag-crash

- Makikitang nakakangiti pa umano ang naturang pasahero na kasama ang iba pa niyang mga kaibigan para sana maisakatuparan ang hiling ng anak

- Lingid sa kaalaman nila, iyon na ang huling video nila gayung wala ni isa sa kanila ang nakaligtas sa naturang crash

- Tinatayang nasa 68 katao na ang naitalang patay sa malagim na trahedyang naganap sa unang buwan ng taon 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapag-Facebook Live pa ang isang Indian passenger ng Yeti Airlines ATR 72 ilang minuto bago mag-crash ang sinasakyang eroplano sa Nepal noong Enero 15.

Indian passenger ng eroplanong nag-crash sa Nepal, na-FB live ang mga huling sandali
Yeti Airlines (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Sa video, mapapansing nakakangiti pa ang pasahero ngunit sa bilis ng pangyayari, tila nabitawan na umano nito ang cellphone at natapos ang naturang live streaming.

Read also

Cristy Fermin, pansin ang umano'y lungkot sa mga mata ni Sarah Geronimo

Sa ulat ng India Today, sinasabing wala umanong nakaligtas sa 68 na lulan ng nasabing aircraft.

Bago pa man mangyari ang trahedya, hindi rin umano sila na-inform ng piloto na mayroon nang problema ang naturang eroplano na nag-crash ilang kilometro lang sa dapat na paglandingan nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maituturing na itong pinakamalaking plane crash na naganap sa Nepal sa loob ng 30 taon.

Samantala, sa Pilipinas hindi rin malilimutan si Lieutenant Alexandria Tato na lulan ng C-130 plane na nag-crash noong Hulyo 2021.

Hindi sana kasama ang sundalong nurse sa naturang flight na pumalit lamang sa kanyang kasamahan.

Hulyo 3 nang mabanggit pa umano ni Alexandria na nagkaroon ng problema ang flight nila patungong Jolo na natuloy din noong Hulyo 4.

Isa si Alexandria sa na 52 pa na nasawi sa C-130 flight na sakay ang nasa 100 na mga sundalo.

Read also

Trina Candaza sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino; "I think everybody knows it"

Samantala, isa sa mga kapatid ng nasawi sa naturang plane crash ang nagbahagi na nakapag-video call pa umano si Army Private Archie Barba sa kanila. Hindi raw niya inaasahan na ito na pala ang magiging huling pag-uusap nila ng kanyang kapatid.

Tulad din ni Ret. Col. Tato, labis din ang paghihinagpis ng isang ina sa biglaang pagkawala ng anak na si Staff Sergeant Jan Niel Macapaz. Sinabing ang masaklap pa sa nangyari, hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: