Whamos Cruz, pinakita ang video ni Antoinette na aniya ay nagle-labor na

Whamos Cruz, pinakita ang video ni Antoinette na aniya ay nagle-labor na

- Pinakita ni Whamos ang video ng kanyang partner na si Antoinette habang iniinda nito ang sakit ng kanyang tiyan

- Pinainom nila ito ng hilaw na itlog para umano makatulong sa panganganak niya

- Nang makabalik sila sa condo ay mas naging maayos na ang pakiramdam nito at tuloy ang pag-eehersisyo

- Sinamahan ni Whamos si Antoinette habang nag-eexercise para makatulong sa paglabas ng kanilang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Whamos ang video kung saan makikita ang pagpapainom nila ng hilaw na itlog kay Antoinette. Ito ay habang iniinda niya ang sakit ng kanyang tiyan.

Whamos Cruz, pinakita ang video ni Antoinette na aniya ay nagle-labor na
Whamos Cruz, pinakita ang video ni Antoinette na aniya ay nagle-labor na (@Whamoscruz)
Source: Facebook

Halos maiyak na ito sa sakit ng tiyan ngunit nakaalalay lang sa kanya si Whamos. Nang makabalik sila sa condo ay mas naging maayos na ang pakiramdam nito at tuloy ang pag-eehersisyo.

Sinabayan din siya ni Whamos sa pag-eexercise habang nagpapatawa kaya tumatawa na lang din ang kanyang girlfriend. Marami naman ang naghayag ng kanilang kasiyahan para sa dalawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antoinette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antoinette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel