OFW, bigong makabalik sa kanyang trabaho sa DOHA, Qatar dahil sa mister
- Bigong makabalik sa DOHA, Qatar ang isang OFW matapos sirain ng kanyang mister ang kanyang dokumento
- Nagwala ang kaniyang mister sa Departure area ng NAIA Terminal 1 at pinunit ang kaniyang mga travel document
- Kabilang sa mga nasira ay ang passport, at boarding pass niya habang winasak din ang kaniyang cellphone
- Ayon sa OFW, palagi siyang inaabuso at sinasaktan ng asawang si Jonard Banate tuwing nalalasing dahil sa matinding selos
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naiyak na lamang ang OFW na si Myren Onato, 31 anyos matapos sirain ng kanyang mister ang passport, at boarding pass niya habang winasak din ang kaniyang cellphone. Ayon sa kanyang pahayag, palagi siyang inaabuso at sinasaktan ng asawang si Jonard Banate tuwing nalalasing dahil sa matinding selos.
Sa ulat ng DZRH News, habang nasa NAIA, tinawagan siya ng mister upang lumabas saglit para makapagpaalam at mayakap siya ngunit pag-labas niya ay pinunit ng suspek ang kaniyang mga travel document.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang "OFW" o "Overseas Filipino Worker" ay isang terminolohiyang ginagamit upang ilarawan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang mga OFW ay nagsisikap sa ibang lugar upang magtrabaho at kumita ng pera para sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Maraming OFW ang nagtatrabaho sa ibang bansa, lalo na sa mga lugar tulad ng Middle East, North America, Europe, at iba pa.
Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ng isang OFW sa Amman, Jordan ang kanyang magandang kalagayan sa among napakababait umano sa kanya. Tuwing ipakikilala siya sa mga kaibigan ng amo, hindi katulong kundi best friend ang pakilala sa kanya. Matulungin at madaling kausap ang kanyang mga amo na kailanma'y hindi siya pinagdamutan. Sinabing sasagutin pa ng amo niya ang pagkakaroon niya ng bahay gayung pinapili siya nito kung kasal ba o bahay.
Nagpanggap na makikikain ang isang OFW na dalawang taon nang hindi nakakauwi sa kanyang pamilya sa Pinas. Nagdahilan ito sa kanyang pamilya na hindi pa rin makakauwi noong nagdaang Pasko kaya 'di siya inaasahang darating ng mga ito. Ilang minuto pa ang tumagal bago mahalata ng kanyang mga mahal sa buhay na siya na talaga ang kausap nila. Lalo na ng kanyang ina na matagal siyang nayakap ng mahigpit at tila hindi makapaniwalang nakabalik na siya mula sa ilang taon sa abroad.
Source: KAMI.com.gh