OFW na nagpanggap na makikikain sa outing ng pamilya, sinurpresa ang kanyang ina

OFW na nagpanggap na makikikain sa outing ng pamilya, sinurpresa ang kanyang ina

- Nagpanggap na makikikain ang isang OFW na dalawang taon nang hindi nakakauwi sa kanyang pamilya sa Pinas

- Nagdahilan ito sa kanyang pamilya na hindi pa rin makakauwi noong nagdaang Pasko kaya 'di siya inasahang darating ng mga ito

- Ilang minuto pa ang tumagal bago mahalata ng kanyang mga mahal sa buhay na siya na talaga ang kausap nila

- Lalo na ng kanyang ina na matagal siyang nayakap ng mahigpit at tila hindi makapaniwalang nakabalik na siya mula sa ilang taon sa abroad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umantig sa puso ng mga netizens ang video ni Manilyn Cortez kung saan sinurpresa niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina sa kanyang pagbabalik mula sa ibang bansa.

OFW na nagpanggap na makikikain sa outing ng pamilya, sinurpresa ang kanyang ina
OFW na nagpanggap na makikikain sa outing ng pamilya, sinurpresa ang kanyang ina (Photo: Manilyn Cortez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagdahilan lamang si Manilyn sa kanyang pamilya na hindi siya makakauwi noong nagdaang Kapaskuhan. Kaya naman hindi na inasahan ng mga ito ang kanyang pagbabalik.

Read also

Nadia Montenegro, pinakita ang mga mensahe ng kagaya ng kanyang ina na nanakawan

Ngunit ang totoo, nakahanda na siya para isurpresa ang pamilya na noo'y may outing sa beach.

Sa video, todo mask at shades si Manilyn kaya naman hindi talaga siya nahalata ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanging ang isa niyang kapatid at nobyo ang nakakaalam ng kanyang pagbabalik.

Nagpanggap si Manilyn na makikikain sa kanyang pamily. Pinuna pa niya ang alak na dala ng mga ito.

Tumagal pa ng ilang minuto bago mapansin ng kanyang mga kaanak na siya pala ang babaeng inakala nilang nakikikain lang sa kanila.

Agad naman siyang nilapitan ng kanyang ina na halos hindi na siya binitawan sa pagkakayakap.

Narito ang kabuuan nng video na ibinahagi rin ng Philippine Star:

Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW ang nakakabalik at nabibisita ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Read also

VP Leni sa umano'y advance questions sa CNN debate; "Nagalingan kayo?"

Ang ilan, maayos ang trato ng kani-kanilang amo o employer dahilan para sila ay bumalik at makapagpundar ng mga ari-arian para sa naiwan nilang mahal sa buhay sa bansa.

Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.

Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel