2-anyos, aksidenteng naka-order ng nasa 60 produkto na may halagang Php20,000

2-anyos, aksidenteng naka-order ng nasa 60 produkto na may halagang Php20,000

- Dalawang taong gulang na bata ang aksidenteng naka-order ng nasa 60 na mga produkto online

- Hindi inaasahan ng kanyang ina na siya ay makakapag-order sa isang online shopping app

- Nagulat na lamang ito nang makitang nasa 60 na mga parcels ang nakahanda na niyang matanggap

- Ang ilan ay nagawa pa niyang i-cancel at makausap ang mga store owners kaya hindi naman na natuloy ang pag-deliver ng mga ito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang dalawang taong gulang na bata ang aksidenteng nakapag-place ng orders sa isang online shopping app.

2-anyos, aksidenteng naka-order ng 60 produkto na may halagang Php20,000
Photo: Phone Images (Rawpixel)
Source: UGC

Kwento ng kanyang mommy na si Denzen Manliguez, pinagagamit niya ang kanyang anak ng cellphone para lang manood o maglaro. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, naka-order ito ng nasa 60 na mga produkto na may kabuuang halaga na Php20,000.

Sa panayam sa kanya ng 'Dapat Alam Mo!' ng GMA, nakwento ni Denzen ang mga produktong na-order ng kanyang anak na si Denise.

Read also

Andrew Schimmer sa misis niyang nasa tahanan na nila; "Welcome Home Mommy!"

"Pang-baby po lahat eh... Tapos may mga crop top pa, may mga gamit din po sa bahay," ani Mommy Denzen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman matiyaga niyang inisa-isa ang pagkausap sa mga store owner para i-cancel ang mga orders at ilahad ang pangyayari.

At dahil sa nag-viral ang kanyang post, maging ang mga delivery riders ay nauunawaan ang kanyang sitwasyon kaya't hiningan lamang umano siya ng ID para sa kumpirmasyon ng kaselasyon ng mga na-order.

Sa ngayon, hindi na raw muna niya pinagagamit si Denise ng kanyang cellphone upang 'di na maulit pa ang pangyayari.

Narito ang kabuuan ng video:

Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya noong 2020, isang tatlong taong gulang na bata rin ang naka-order ng mga magagandang klase ng laruang sasakyan gamit ang online shopping app ng ina.

Nakatanggap ang ina nito ng mensahe mula sa courier ngunit hindi niya ito pinansin.

Inakala niya kasing 'wrong send' lang ito o di kaya naman ay late message mula sa nauna niyang order.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Kaya naman, nang bumuluga sa kanila ang order ng bata na motorbike na may remote control at toy truck na may pedal, wala silang nagawa kundi ang bayaran ito.

Sinubukan umano nilang i-cancel ang mga order subalit huli na ang lahat at naawa na rin sila sa delivery rider kaya lalo na at magpapasko pa naman nang kanila itong makuha.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica