Batang nadismaya sa inorder na bag, kinagiliwan ng mga netizens

Batang nadismaya sa inorder na bag, kinagiliwan ng mga netizens

- Kinagiliwan ng mga netizens ang reaksiyon ng isang bata nang matanggap niya ang kanyang bag na inorder sa online shop

- Makikita ang kasiyahan sa kanya habang hawak niya at hindi pa nabubuksan ang nakasupot na bag

- Gayunpaman, ibang-iba ang bag na tumambad sa kanila nang buksan nila ang supot kaya naiyak ang bata

- Ayon sa tita ng bata na nagbahagi ng kanyang mga litrato, masaya nang muli ang bata matapos nilang matanggap ang panibagong order na Hello Kitty bag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patok na patok sa netizens ang inosenteng reaksiyon ng isang bata nang matanggap nito ang bag na kanilang inorder sa online shop.

Sa unang litratong ibinahagi ay makikita ang kasayahan sa kanya at tila sabik nang makita ang kanyang Hello Kitty bag.

Batang nadismaya sa inorder na bag, kinagiliwan ng mga netizens
Photo from: Hsiao Laiza
Source: Facebook

Gayunpaman, napaiyak ito nang buksan ang supot dahil iba pala ang bag na naipadala sa kanila.

Read also

Ms. Everything, nagbahagi ng love advice sa kanyang mga tagahanga

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens na aliw na aliw sa batang si Ivy.

Kaya wag na wag tayo magkakamali ng padala, kung magkamali man, gawin na agad natin yung tama kaysa may isa pa ulit na kawawang magka ganito. Damang dama eee. Best effort lagi sa customers natin ang iachieve para 5stars tayo lagi sa shop hihi. Pero legit nakaka sad to. Damahin nyo din. Haha!
Haha! Gigil sya ang cute naman ni bibi.
Tawang tawa ako sa reaksyon nya! Sorry baby, you made my day.

Samantala, sa Facebook Page na Bebe Kitty, makikita ang reaction ng batang si Ivy nang sa wakas ay matanggap ang panibagong order.

Mayroon ding nagpadala sa kanya ng bag na mula sa taong hindi nila kakilala. Gayunpaman, pinasalamatan nila ang isang nagngangalang Mr. Hu na nakalagay bilang sender.

Read also

‘Goin’ Bulilit’ star na si Trina Legaspi, ibinahagi ang video ng proposal ng kanyang fiancé

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang pagbili sa mga online shops ay nauuso lalo na ngayong panahon na hindi ligtas ang paglabas at pamamasyal. Gayunpaman, marami din ang nakakaranas ng pagkakadismaya sa pag oonline shopping.

Maging ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay kinagiliwan sa ibinahaging litrato ng kanilang pinamili online. Maging ang ilang mga kaibigan nila sa showbiz ay hindi napigilang magreact.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel