Mrs. Maguad, umalma matapos makita ang pagprotekta sa pumatay sa mga anak niya

Mrs. Maguad, umalma matapos makita ang pagprotekta sa pumatay sa mga anak niya

- Naglabas ng saloobin si Mrs. Lovella Maguad matapos masaksihan ang umano'y pagprotekta sa taong kumitil sa buhay ng dalawang anak

- Sa kanyang Facebook post, binahagi niya na tumuntong na sa legal age ang isa sa mga nakasuhan sa pagkamatay ng mga anak

- Hindi niya naitago ang kanyang galit matapos umanong ilayo sa kanya ang lalaki gayong pinarinig lamang umano niya ang hinanakit nila kaugnay sa ginawa nito

- Nilinaw niyang wala siyang intensiyon na saktan ang aniya'y kriminal na pumatay sa anak dahil hinahayaan umano nila ang justice system ang gumalaw para sa hinahangad na hustisya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Mrs. Lovella Maguad na masama ang loob niya matapos niyang personal na masaksihan ang umano'y pagprotekta sa isa sa mga nakasuhan sa pagpatay sa mga anak niya. Sa kanyang Facebook post, binahagi niya na tumuntong na sa legal age na ang naturang lalaki.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol

Mrs. Maguad, umalma matapos makita ang pagprotekta sa pumatay sa mga anak niya
Mrs. Maguad, umalma matapos makita ang pagprotekta sa pumatay sa mga anak niya (Photo from Lovella Orbe Maguad/FB)
Source: Facebook

Ikinasama umano ng loob niya nang sinadya niyang lakasan ang kanyang boses para sana maiparinig sa lalaki ang kanilang pagdurusa sa ginawa nila. Nabigla umano siya nang ilipat at ilayo sa kanyang kinauupuan ang lalaki.

Binalaan din daw siya ng isang court staff na maari siyang makasuhan ng contempt. Nilinaw din niya na wala siyang intensiyon na saktan ang aniya'y kriminal na pumatay sa anak dahil hinahayaan umano nila ang justice system ang gumalaw para sa hinahangad na hustisya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mrs. Maguad, umalma matapos makita ang pagprotekta sa pumatay sa mga anak niya
Mrs. Maguad, umalma matapos makita ang pagprotekta sa pumatay sa mga anak niya (Screenshot from Lovella Orbe Maguad/FB)

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa. Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid. Hindi naman maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate