Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol

Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol

- Kinumpirma ni Wilbert Tolentino, ang kasalukuyang manager ni Herlene Budol na totoo ang mga sinabi ng kanyang alaga

- Kaugnay ito sa pagdulog ni Herlene sa programa ni Sen. Raffy Tulfo para magpatulong para masingil ang umano'y talent fee niya na nasa dati niyang manager

- Totoo din umano ang tungkol sa pagpapapirma kay Herlene sa blangkong papel kaya tinuruan niya ang dalaga na huwag basta-basta pipirma dahil maaring ikapahamak niya

- Aniya, dalawang taong nagbigay ng raket kay Herlene ang nagpapirma sa kanya sa blangkong papel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Wilbert Tolentino, ang kasalakuyang manager ni Herlene Budol na maglabas ng kanyang pahayag kaugnay sa pagreklamo ng alaga niya sa dati nitong manager. Totoo din umano ang tungkol sa pagpapapirma kay Herlene sa blangkong papel kaya tinuruan niya ang dalaga na huwag basta-basta pipirma dahil maaring ikapahamak niya.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol
Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa nilabas niyang pahayag, binahagi niya din na dalawang tao ang nagbigay ng raket kay Herlene na gumawa ng parehas na proseso, ang pagpapirma sa kanya sa blangkong papel.

Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol
Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol (@www.facebook.com/sirwil75)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Read also

Herlene Budol, inireklamo sa Raffy Tulfo in Action ang dating manager

Matatandaang inireklamo ni Herlene ang dating manager na umano ay tumanggap ng mga perang dapat ay kinita ni Herlene sa mga endorsements niya. Sa programang Wanted sa Radyo ni Senator Raffy Tulfo, nabanggit ni Herlene na siya pa umano ang sinisingil ng dating manager. Matagal umanong pinag-isipan ni Herlene ang hakbang na ginawa niya kaugnay sa pagrereklamo sa dating manager na naging kaibigan niya umano sa programang 'Wowowin.' Hindi naman daw umano nakipag-usap ang tinutukoy niyang dating manager at wala umano ito sa bahay nila nang papuntahan para sana makausap sa programa ng senador.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel