DepEd, kinumpirma ang COVID-19 cases sa mga mag-aaral at teacher sa pagbabalik paaralan
- Kinumpirma ng Department of Education ang COVID-19 cases sa mga mag-aaral, titser at nonteaching staff sa pagbabalik eskwela
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Hindi man naibigay ang eksaktong bilang ng mga tinamaan, sinabing inaasahan umano ito
- Sinasabing mild to moderate ang epekto ng COVID-19 sa mga tinamaan nito
- Gayunpaman, siniguro naman ng Kagawaran ng Edukasyon na nakatutok umano sila sa kasong ito upang maiwasan ang paglobo ng bilang ng tinatamaan pa rin ng COVID-19
Makalipas ang halos isang buwan mula nang magbukas muli ang ilang pampublikong paaralan para sa in-person classes, masasabing nagkakaroon ng bilang ang mga tinatamaang mag-aaral, teachers at non teaching staff.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nalaman ng KAMI na kinumpirma ito ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa sa ginanap na joint preseser ng Office of the Vice President.
Sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Poa na hindi man nila naibigay ang eksaktong bilang ng mga tinamaan, mapa-bata man, titser o nonteaching staff, sinasabing inaasahan ito dahil sa pagbabalik paaralan muli nila.
Bagaman at datos sana ng mga paaralan sa buong bansa na ang kinukuha, di pa rin nila inihayag ang partikular na bilang ng mga tao sa eskwelahan na nagkaroon ng COVID, hindi pa rin nila ito basta na maibigay gayung ilan sa mga dibisyon ay hindi umano ibinibigay ang tamang bilang ng mga may COVID-19.
Ayon naman sa SMNI News, nakatutok pa rin ang DepEd sa mga kaso ng COVID-19 sa paaralan upang maiwasan na humantong pa ito sa muling paglobo ng bilang na nagpositibo sa nasabing virus.
Noong Agosto 22 ng kasalukuyang taon, nagbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.
Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa ng face to face classes, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante.
Katunayan, ilang mga lungsod na ang nagpatupad ng in-person classes. Habang ang iba naman ay naka-online classes parin at minsan sa isang linggo ay pinapapasok din ng paaralan para mas mapaliwanagan ng teacher at makasalamuha rin ang kanilang mga kamag-aral.
Gayunpaman, sa kabila ng matagumpay na pagsasagawa ng in-person classes, naharap muli sa kontrobersiya ang Kagawaran ng Edukasyon sa umano'y teacher na napagsalitaan ng 'di maganda ang kanyang estudyante.
Noong Agosto 22 ng kasalukuyang taon, nagbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh