Amang naiyak sa panlilimos para sa may sakit na anak, umantig sa puso ng marami

Amang naiyak sa panlilimos para sa may sakit na anak, umantig sa puso ng marami

- Umantig sa puso ng marami ang video ng isang ama na namalimos para lang sa nebulizer ng kanyang anak

- Awang-awa umano siya tuwing makikita ang anak na nahihirapan subalit wala naman siyang sapat na pera pambili ng nebulizer

- Isang netizen ang nagmalasakit na bigyan ang ama na labis nitong ipinagpasalamat

- Gayunpaman, habang ang ilan ay naawa aminado ang ilan na may dapat pa rin umanong mag-ingat sa mga ganitong klaseng eksena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-viral ang isang video kung saan makikita ang ama na si "Jepoy" na umiiyak sa kalsada.

Amang naiyak sa pamamalimos para sa nebulizer ng anak, umantig sa puso ng netizens
Ang amang si Jepoy (Screengrab from Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ang dahilan umano ng pagiging emosyonal nito ay ang kasalatan sa pambili ng nebulizer na kailangan ng kanyang anak na may sakit.

Sa panayam sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nasabi ni Jepoy na lahat ay handa niyang gawin para sa anak, huwag lamang itong makita na nahihirapan.

Read also

Ice Seguerra, sa 17 taong niyang depresyon; "Feeling ko wala na akong purpose"

"Para sa anak ko po, kahit ano gagawin ko para sa kanya. Mahal na mahal ko po kasi siya," ani Jepoy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangangalakal daw siya upang may panggastos at minsa'y umeextra naman ng pagpipintura bilang isang construction worker.

Kaya naman nang ma-ospital ang anak at kinailangan pa ng dire-diretsong gamutan, mas lalong tumindi ang hirap at pangangailangan nila sa pera.

Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na mamalimos sa pagbabaka-sakaling mayroong makakatulong sa kanya.

Mapalad nga siya na isa umanong netizen ang nakapansin sa kanya at nag-abot ng may kalakihang halaga nang malaman ang kwento sa likod ng kanyang pag-iyak.

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin ng KMJS:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Read also

Bride na 'di sinipot ng groom, piniling ituloy ang wedding reception

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

At maging ang pagkawala ng isang 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno kamakailan sa Palawan ay naitampok din sa KMJS na nakipagtulungan umano sa mga awtoridad upang mas mapadali ang paghahanap dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica