Pinakamalungkot na nangyari sa mga mag-aaral ng Masbate, umantig sa puso ng netizens

Pinakamalungkot na nangyari sa mga mag-aaral ng Masbate, umantig sa puso ng netizens

- Umantig sa puso ng netizens ang naibahagi ng teacher sa Masbate tungkol sa naisagot ng kanyang mga estudyente

- Naitanong niya sa mga ito ang kanila umanong pinakamalungkot na naranasan sa kanilang buhay

- Laking gulat umano ng teacher nang makitang halos pare-pareho ang sagot ng kanyang mga estudyante

- Lumabas na nasa 30 sa 50 na mga tinuturuan ni teacher Mecca ang ganito ang kasagutan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-pansin sa social media kamakailan ang naging sagot ng mga grade 11 students ng Masbate Comprehensive High School.

Pinakamalungkot na nangyari sa mga mag-aaral ng Masbate, umantig sa puso ng netizens
Photo from Mecca Derla
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naitanong pala ng kanilang teacher na si Mecca Derla kung ano ang pinakamalungkot na nangyari sa kanilang buhay.

Nais kasing makilala ni Teacher Mecca ang kanyang mga mag-aaral kaya naman laking gulat nito nang mabasa ang karaniwang sagot ng mga ito na ang paghihiwalay ng kanilang mga magulang ang pinakamalungkot nilang naranasan.

Read also

Sharon Cuneta, hindi pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea

Sa panayam sa kanya ng GMA News, nabanggit din niyang 30 sa kanyang 50 na mga estudyante ang may parehong kasagutan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilan pa sa mga ito, pawang ang pagtungo sa abroad ng magulang ang labis na ikinalungkot.

Hindi akalain ni Teacher Mecca ang mga ganitong kasautan ng kanyang mga mag-aaral lalo na at nakilala niya ang mga ito na masayahin.

Dahil din sa hiwalayan umano ng mga magulang ng kanyang mga estudyante, naging kaakibat nito ang kawalan nila ng tamang sustento, hindi nakakakain ng maayos at ang iba ay kasama na lamang ng kanilang mga kapatid na siyang gumagabay sa kanila

Kamakailan, umantig din sa puso ng netizens ang kwento ni Gary, ang at ang kanyang misis na sabay na nakatapos ng elementarya sa pamamagitan ng Alternative Learning System ng Separtment of Education.

Read also

Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post

Naging panauhin si Gary ng Eat Bulaga sa segment nitong 'Bawal Judgmental' kung saan kasama niya ang teacher na si Roque Geoffrey Villahermos.

Si Teacher Roque ang naging daan upang makatapos si Gary at misis nito na talagang pinapangarap lamang nila noon.

Academic Achiever din nila si Gary gayung kinakitaan ito ng pagsisikap at determinasyon sa pag-aaral.

Hindi na sana ipagpapatuloy ni Gary ang pag-aaral dala ng kahirapan ngunit dahil sa ginintuang puso ng mga Dabarkads, maisasakatuparan na niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica