Bride na 'di sinipot ng groom, piniling ituloy ang wedding reception

Bride na 'di sinipot ng groom, piniling ituloy ang wedding reception

- Imbis na magmukmok, pinili ng bride na hindi sinipot ng kanyang groom na ituloy ang kanilang wedding reception

- Nakita kasi ng bride na naging emosyonal at talagang nag-iyakan ang mga dumalo kaya mas lalong pinili na na ituloy ang party

- Apat na taon niyang nakarelasyon ang lalaking pakakasalan na sana niya subalit sa di malamang kadahilanan, hindi siya nito sinipot

- Laking pasasalamat pa rin ng bride sa lahat ng mga mahal niya sa buhay na nakisaya sa kanya sa kabila ng pangyayari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinangaan ng marami ang bride na si Kayley Stead na kahit na hindi sinipot ng kanyang groom sa kanila sanang pinakamahalagang araw ay pinili pa rin na ituloy ang wedding reception.

Bride na 'di sinipot ng groom, piniling ituloy ang wedding reception
Photo: Kayley Stead
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na handa na ang lahat sa kasal ni Kayley subalit hindi na nagpakita ang lalaking inakala niyang makakasama sa habang buhay.

Read also

Cristine Reyes, binahaging mayroon siyang mild disc bulge

Sa ulat ng GMA News, sinabing apat na taon nang karelasyon ni Kayley ang lalaki kaya naman masasabing handang-handa sana sila sa susunod na yugto ng kanilang relasyon.

Kwento pa ni Kayley, bandang alas kwatro ng hapon nang araw ng kanilang kasal, nakita pa niya ang lalaki subalit sa mismong seremonya, hindi na ito nagpakita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napansin ni Kayley na emosyonal ang kanyang entourage ngunit imbis na siya ay magmukmok at malungkot, pinili niyang magsaya at itinuloy ang sana'y wedding reception.

"I'd spent all this money, I'd been looking forward to the food, a dance with my dad, spending time with my family, so why not?" ani Kayley.

Kaya naman tuloy ang party kasama ang mga mahal sa buhay ni Kayley na hindi siya iniwan sa kabila ng nangyari.

Read also

SHS na naglalako ng taho bago magklase, nabiyayaan ng e-bike at sidecar

“A massive thank you to every single one of you here because it means 110% more to me than anything. And I really appreciate you all being here, enjoying the day because today is about self-love. I want every single person to feel self-love,” emosyonal na mensahe ni Kayley.

Sa Pilipinas, naging agaw-eksena rin sa social media ang bagong kasal na tila naging instant millionaire dahil sa nalikom nila sa kanilang money dance.

Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php 3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.

Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica