Cristine Reyes, binahaging mayroon siyang mild disc bulge

Cristine Reyes, binahaging mayroon siyang mild disc bulge

- Nag-post si Cristine Reyes ng isang video kung saan sinusubukan niyang mag-head stand

- Sa binahagi niyang video ay makikita ang pagkawala ng balanse niya kaya tumama sa sahig ang kanyang likod

- Nakakaranas umano siya ng matinding pananakit sa kanyang lower back kaya tatlong beses siyang nagpasuri

- Ayon sa mga doktor, mayroon daw siyang mild disc bulge sa kanyang lumbar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Cristine Reyes, nakakaranas umano siya ng matinding pananakit sa kanyang lower back kaya tatlong beses siyang nagpasuri. Ayon sa mga doktor, mayroon daw siyang mild disc bulge sa kanyang lumbar.

Cristine Reyes, binahaging mayroon siyang mild disc bulge
Cristine Reyes, binahaging mayroon siyang mild disc bulge (@cristinereyes)
Source: Instagram
I will be expecting a massive muscle spasm later due that classic fall I recorded just now, apparently I have a mild disc bulge in my lumbar.

Sa isang video na kanyang naibahagi sa Instagram, makikita ang pagkawala ng balanse niya habang sinusubukan niyang mag-head stand kaya tumama sa sahig ang kanyang likod.

Read also

Vilma Santos, nataranta sa tanong ni Dimples Romana sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, inaasahan niyang makakararanas na naman siya ng pananakit ng likod niya dahil sa pagtama ng likod niya sa sahig ngunit mayroon naman na umanong mga gamot na nareseta sa kanya.

Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.

Read also

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel