Raffy Tulfo, nagpaliwanag bakit tapos na para sa RTIA ang kaso ni Jovelyn Galleno

Raffy Tulfo, nagpaliwanag bakit tapos na para sa RTIA ang kaso ni Jovelyn Galleno

- Nagbigay ng pahayag si Raffy Tulfo ukol sa pagtulong ng kanyang programang RTIA sa kaso ni Jovelyn Galleno

- Ito ay matapos na lumabas ang resulta ng lie detector test na isinagawa sa dalawang suspek umano sa pagkawala ni Jovelyn noong Agosto 5

- Aniya, dahil bumagsak si Leobert Dasmariñas na dating naglalahad ng detalye sa kaso, paninindigan umano ni Tulfo ang nabitawan niyang salita ukol dito

- Nagpahayag na rin ang pamilya Galleno na ayon sa kanila'y tanggap na nila ang resulta ng isinasagawang proseso upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Jovelyn

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaliwanag si Raffy Tulfo sa programa niyang Wanted Sa Radyo kaugnay sa nasabi niyang 'case closed' na para sa kanila ang kaso ni Jovelyn Galleno.

Raffy Tulfo, nagpaliwanag bakit tapos na para sa RTIA ang kaso ni Jovelyn Galleno
Raffy Tulfo (Wanted sa Radyo/ Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilang mga netizens ang umalma umano sa huling video ni Raffy Tulfo in Action na may pamagat na 'Ang ending sa kaso ni Jovelyn.'

Read also

Raffy Tulfo, nakiusap sa publiko na patahimikin na ang pamilya ni Jovelyn Galleno

"Sabi ng ilang netizens doon bakit daw tayo bumibitaw. Sana 'wag. Eto po 'yun. Una, ako po ay nangako dito po na kapag lumagpak po si Leobert, aatras na po kami. Pangit naman po nuon, na nagbitaw na ako ng pangako na kapag bumagsak si Leobert, atras na kami at hindi na kami tutulong and then babaliin ko po 'yung akin pong pangako. E parang wala po akong isang salita noon," panimula ni Tulfo.

"Pangalawa, si Leobert na mismo ang ayaw nang makipag-cooperate. Gusto po namin siyang tulungan, gusto man namin siyang tulungan, pero siya naman po ay ayaw nang magpatulong. Dahil kapag kino-contact po namin siya sinasabi niya po busy siya at meron po siyang ginagawa sa kanyang trabaho. So paano pa po namin ma-extend 'yung tulong na nararapat yung gusto niyong mangyari na ipagpatuloy namin yung pag-handle sa case well in fact, yung primary personality dito, si Leobert e ayaw nang makipag-cooperate sa amin. So kami po ay lumulugaw lamang," dagdag pa niya.

Read also

Ogie Diaz, concern sa kapansin-pansin umanong pamamaos ni Kuya Wil; " Kasi nahahalata na"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon din kay Tulfo, inirerespeto na rin nila ang desisyon ng pamilya ni Jovelyn Galleno na tanggap na ang kinakalabasan ng imbestigasyon.

"Doon sa mga netizens na kinukulit kami bakit daw bumibitaw. Ayan na po, 'yung mismong kamag-anak na mismo ang nagsasabi as far as they concerned. They want to move on, they want to consider this as case closed."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action:

Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.

Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.

Read also

Leobert Dasmariñas, bagsak sa lie detector test; umano'y umiiwas na sa RTIA

Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.

Isa ang programang Raffy Tulfo in Action sa tumutok sa pag-usad ng kaso ng pagkawala na ito ni Jovelyn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica