NBI Palawan SI3 Cedric Caabay, naghamon na ilabas na ang tanim-kalansay video
- Ayon kay NBI Palawan SI3 Cedric Caabay, maituturing na case closed na ang kanilang pag-iimbestiga sa Jovelyn Galleno case
- Matatandaang, nakialam na ang National Bureau of Investigation sa Palawan matapos i-request ni Senator Raffy Tulfo ang kanilang serbisyo kaugnay sa kaso
- Ani SI3 Caabay, dapat ay ilabas na at ipakita sa NBI kung totoo mang mayroong video ng umano'y tanim-kalansay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa panayam ng 103.1 Brigada News FM - Palawan kay SI3 Caabaynabanggit nito na nakaapekto sa kanilang imbestigasyon ang mga lumabas na usap-usapn tungkol dito
Case closed nang maituturing para sa National Bureau of Investigation Palawan ang Jovelyn Galleno case. Sa panayam ng 103.1 Brigada News FM - Palawan kay NBI Palawan SI3 Cedric Caabay, sinabi nito na dapat ay ilabas na at ipakita sa NBI kung totoo mang mayroong video ng umano'y tanim-kalansay.
Matatandaang, nakialam na ang National Bureau of Investigation sa Palawan matapos i-request ni Senator Raffy Tulfo ang kanilang serbisyo kaugnay sa kaso.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Samantala, sa video na binahagi ng Radyo Pilipinas Palawan makikita ang video ng paghain ng supplemental investigation report sa tanggapan ng piskalya sa lungsod ng Puerto Princesa.
Matatandaang maging ang manager ni Jovelyn ay hindi nakaligtas sa suspisyon ng netizens. Nauna nang naiulat ng Daily BNC News ang pagtanggi ng manager ni Jovelyn na umano ay may relasyon ang dalaga at ang asawa niya.
Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Matatandaang sa pakikipag-usap ni Leobert kay Senator Raffy Tulfo, naibahagi nito ang aniya ay ginawa sa kanya nang sumuko siya dahil sa pananaksak niya sa pinsang si Jovert Valdestamon. Pinuntahan daw siya ng mga tao na hindi niya kilala at tinanong siya kung may abogado na daw ba siya. Isang pulis umano ang nagsabi sa kanya kung gusto niya ng pera at sinabihan daw siya na makipagtulungan sa kanila. Kasunod umano nito ay sinaktan na siya ng mga taong naka-sibilyan habang nakaharap ang pulis na kanyang pinangalanan.
Sumailalim na sa polygraph o lie detector test ang tinuturong salarin sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas. Pinakita ng NBI ang ginawang paghahanda sa polygraph test. Matatandaang mismong si Leobert ang humiling ng naturang test para mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi hinggil sa umano'y pang-to-torture sa kanya. Nauna na ring sinabi ni Senator Raffy Tulfo na magsasagawa sila ng independent polygraph test.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh