Estudyanteng lakas-loob na naglalako ng turon sa paaralan, umantig sa puso ng marami

Estudyanteng lakas-loob na naglalako ng turon sa paaralan, umantig sa puso ng marami

- Viral ang post tungkol sa isang estudyanteng lakas-loob na naglalako ng turon sa pagbabalik nila sa paaralan

- Aniya, nais niyang makatulong sa kanyang pamilya lalo na at ang kanyang ina ay isang OFW

- Aminado siyang nahihiya sa umpisa lalo na at hindi pa niya kilala ang mga teacher at kamag-aral sa pagbabalik nila sa eskwelahan

- Gayunpaman, marami naman ang humanga sa kanya na hindi ikinahiya ang pag-sideline makatulong lamang sa gastusin ng pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena sa social media ang maiksing video tungkol kay Nico, ang estudyanteng lakas-loob na nagdadala ng ilalako niyang turon sa paaralan.

Estudyanteng lakas-loob na naglalako ng turon sa paaralan, umantig sa puso ng marami
Photo: Panindang turon ni Nico (@icanthelpmyselftooman)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang naturang video lalo na at unti-unti nang nagbabalik eskwela ang mga estudyante.

Naibahagi rin ng Kapuso mo, Jessica Soho ang naturang post ukol kay Nico.

Read also

Leobert Darmariñas, isinalaysay kay Sen. Raffy Tulfo ang umano'y pagtorture sa kanya

"Noong una, nakakahiya.Kasi hindi ko po kilala ‘yung mga teacher at students tapos magtatanong ako kung gusto nilang bumili ng turon," ayon kay Nico sa panayam sa kanya ng KMJS.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngunit sa kabila ng kanyang hiya, naroon pa rin ang kabutihan ng kanyang puso na makatulong sa panggastos ng pamilya lalo na at ang kanyang ina ay isa umanong overseas Filipino worker.

Nabanggit din niya ang pinupuna ng ilan na magara niyang sapatos. Aniya, pinag-ipunan niya ito upang may maayos na maisuot sa paaralan at maging ang kanyang pang-enroll ay mula rin sa sarili niyang sikap.

"Ginagawa ko lahat ito para kay Mama. Kasi alam ko kung gaano kahirap ‘yung trabaho niya bilang OFW," pahayag ni Nico na ang ina talaga ang inspirasyon sa pagsisikap sa buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang video na ibinahagi rin ng GMA Public Affairs.

Read also

Leobert Dasmariñas, nagmakaawang tulungan siya dahil sinasaktan umano siya

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

At maging ang pagkawala ng isang 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno kamakailan sa Palawan ay naitampok din sa KMJS na nakipagtulungan umano sa mga awtoridad upang mas mapadali ang paghahanap dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica