Leobert Dasmariñas, sasailalim muna sa lie detector test ayon kay Sen. Tulfo
- Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, nais muna nilang makasiguro kung nararapat bang tulungan nila si Leobert Dasmariñas
- Ito ay matapos humiling ng tulong si Dasmariñas kay Sen. Tulfo kasunod ng kanyang binahagi na aniya ay sinaktan at pinagbantaan siya para lang umamin
- Handa naman si Dasmariñas na sumailalim umano sa lie detector test at sa katunayan, ayon kay Jonalyn Galleno ay ito mismo ang nagmungkahi na sumailalim siya sa polygraph test
- Si Leobert ang pinsang buo ni Jovelyn Galleno na umamin na isa umano siya sa nanghalay kay Jovelyn at nagturo sa kalansay umano ni Jovelyn
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Handa umano si Leobert Dasmariñas na sumailalim siya sa lie detector test para mapatunayang totoo ang kanyang sinabi. Ayon kay Senator Raffy Tulfo, ibibigay nila ang tulong na hinihingi nito kung mapapatunayang hindi siya nagsisinungaling.
Ayon naman kay Jonalyn, nauna nang sinabi ni Leobert na handa siyang magpa-lie detector test. Matatandaang sa naging paiba-iba ang pahayag ni Leobert.
Naunang nasabi ni Leobert na lookout lamang siya. Sa sumunod niyang pahayag ay sinabi niyang kasama din siya sa nanghalay sa pinsan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Source: KAMI.com.gh