Jovert Valdestamon, handa raw patunayang hindi totoo ang alegasyon sa kanya
- Lumutang na ang isa pang pinsan ni Jovelyn Galleno na si Jovert Valdestamon na siyang dinawit ni Leobert Dasmariñas sa umano'y panghahalay at pagpaslang kay Jovelyn
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa panayam ng 103.1 Brigada News FM - Palawan, mariing sinabi ni Jovert na hindi totoo ang alegasyon sa kanya ng pinsan
- Kinumpirma niya rin na ikinagalit ni Leobert nang tanungin niya ito tungkol sa sinabi raw sa kanya nito tungkol sa dudukoting tao at huhukayin
- Naalala umano niya ang binanggit ni Leobert sa kanya tungkol sa plano nitong dudukoting tao kaya naiugnay niya ito sa pagkawala ng pinsang si Jovelyn
Sa binahaging ulat ng 103.1 Brigada News FM - Palawan kaugnay sa pahayag ni Jovert Valdestamon, sinabi umano nito na hindi totoo ang alegasyon sa kanya ni Leobert Dasmariñas. Kinumpirma niya rin na ikinagalit ni Leobert nang tanungin niya ito tungkol sa sinabi raw sa kanya nito tungkol sa dudukoting tao at huhukayin na siyang naging bunsod ng pananaksak nito sa kanya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Jovert ang binanggit ni Leobert na mastermind umano sa pagdukot sa kanilang pinsan. Ayon kay Jovert, naalala umano niya ang binanggit ni Leobert sa kanya tungkol sa plano nitong dudukoting tao kaya naiugnay niya ito sa pagkawala ng pinsang si Jovelyn.
Tinatayang buwan ng Abril umano nang napag-usapan ang planong ito ni Leobert ngunit hindi umano nangyaring kasama siya. Dagdag pa niya matagal na rin silang walang komunikasyon ni Leobert.
Hindi din umano nila napagusapan kung sino at saan ang naturang huhukayan kaya ikinagulat niya nang idawit siya ni Leobert sa krimen.
Nakahanda umano si Jovert na patunayang wala siyang kinalaman sa mga alegasyon laban sa kanya.
Aniya, nasa construction site umano siya at nagtatrabaho noong August 5. Hindi din niya alam ang motibo kung bakit siya dinadawit sa krimen.
Base sa isang post ng Radyo Bandera Philippines, may isang business establishment na matatagpuan sa Brgy. Tagburos ang nagbigay ng karagdagang CCTV footage na magpapatunay na nakasakay sa multicab ang dalaga.
Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh