15-anyos na dalagita, nakaipon ng Php4 million at may sarili nang bahay dahil sa Mobile Legends

15-anyos na dalagita, nakaipon ng Php4 million at may sarili nang bahay dahil sa Mobile Legends

- Umabot na sa Php4 million ang kinita ng isang dalagita dahil sa paglalaro ng Mobile Legends

- Ang kanyang ama pa ang naging daan para maging isa siyang gamer at streamer na naging daan upang maagang maabot ang pangarap

- Sa umpisa'y tila may pagtutol pa ang ina sa paglalaro ng anak lalo na at 15-anyos pa lamang ito

- Subalit ngayon, todo ang suporta nilang mag-asawa sa anak at sinisigurong hindi nito napababayaan ang kanyang pag-aaral

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa loob lamang ng dalawang taon, nakaipon na ng Php4 million ang 15-anyos na si Jiji Dela Cerna

15-anyos na dalagita, nakaipon ng Php4 million at may sarili nang bahay dahil sa Mobile Legends
Jiji Dela Cerna (Dapat Alam Mo!/ GMA)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umanong live streamer si Jiji ng nilalaro niyang online game na 'Mobile Legend.'

Sa panayam sa kanya ni Cedric Castillo ng programa ng GMA na 'Dapat Alam mo!', naikwento ni Jiji na sa kanyang daddy Jonjon una niyang nakita ang laro at tinuruan naman siya nito.

Read also

Ilang teachers sa Agusan, buwis buhay sa pagpunta sa tinuturuang paaralan

Aminadong tutol naman sa umpisa ang kanyang inang si Nikha. Subalit nakikita niyang unti-unting natutupad ang mga pangarap ng kanyang anak dahil sa ginagawa niyang ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katunayan, bukod sa kanyang naipon, nakapagpundar na rin ito ng sarili nilang bahay.

Sa kabila ng suportang binibigay sa kanilang anak, sinisiguro ng mga magulang ni Jiji na hindi nito napababayaan ang kanyang pag-aaral.

Narito ang kabuuan ng ng panayam kay Jiji mula sa GMA News and Public Affairs YouTube:

Matatandaang, isa ring 22-anyos ang nakabili ng dalawang bahay dahil lamang sa paglalaro ng online games.

Nagsimula raw ito nang maging isa siyang 'scholar ng larong Axie Infinity na naging patok kamakailan.

Dalawa hanggang tatlong oras lamang kada araw ang paglalaro nito ni John Aaron. At ang kitaan, depende sa makukuha nilang "small love potion" o SLP. Ang SLP na ito ang maari nilang ipalit sa aktwal na pera. Ang halaga naman ng SLP ay nakaayon sa galaw ng 'digital currency' sa merkado.

Read also

74-anyos na Pinay sa New York, umano'y sinapak sa 'di malamang dahilan

Nagkataon tumaas ang conversion na SLP na ito kaya naman lumaki ang kinita ni John Aaron.

Dahil dito, nakabili na siya ng isang bahay para sa kanyang ina at isa pang bahay para sa kanyang ama.

Bukod pa rito, mula sa pagiging 'scholar' ng naturang laro, manager na rin siya na humahawak ng sarili niyang team. Umupa na rin sila ng lugar kung saan kasama niyang naglalaro ang kanyang mga scholars.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica