Mga ka-lugar nina Jovelyn, wala raw naamoy sa lugar kung saan narekober ang kalansay
- Mismong mga kalugar ng Pamilyang Galleno ang nagsabing wala man lang silang naamoy sa lugar kung saan natagpuan ang bungo at kalansay
- Ito ay sinasabing labi umano ng nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno na narekober matapos magsalita ng nagpakilalang mga suspek
- Ayon sa Pastora ng simbahan nina Jovelyn maging sila sa Pulang Lupa ay hindi naniniwalang si Jovelyn umano iyon
- Gayunpaman, hihintayin umano nila ang magiging resulta ng siasagawang pagsusuri at DNA testing para tuluyang matukoy ang pagkakakilanlan ng kalansay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang nagimbal sa pagkakatuklas ng bungo at kalansay sa mismong lugar ng nawawalang si Jovelyn Galleno. Ayon sa Pastora ng simbahan nina Jovelyn maging sila sa Pulang Lupa ay hindi naniniwalang si Jovelyn umano iyon dahil wala man lang silang naamoy sa lugar kung saan natagpuan ang bungo at kalansay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging sa pakikipag-usap ni Konsehal Elgin Damasco, wala din umanong nakakita o nakaamoy man lang sa kalansay. Ayon sa isang nakatira malapit sa lugar, mukhang matagal na umano ang narekober na kalansay.
Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Humiling ng dasal si Ptr. Darlyn Galve, ang pastora sa simbahan ng pamilya Galleno kasunod ng mga lumabas na balitang may natagpuang kalansay at kalakip niyon ay ang mga kagamitan ng dalaga. Makikita sa pictures na binahagi ni Ptr. Darlyn ang pagiging emosyonal ng pamilya ni Jovelyn. Umaasa pa rin sila na hindi si Jovelyn ang kalansay na narecover ng pulis matapos magsalita ng tinuturong suspek.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh