Medico Legal Officer, inihayag ang opinyon sa sinasabing kalansay ni Jovelyn Galleno

Medico Legal Officer, inihayag ang opinyon sa sinasabing kalansay ni Jovelyn Galleno

- Binahagi ng Medico Legal Officer ng City Health Department na si Dr. Eunice Herrera, tila nakakapagduda ang iniuugnay na kalansay sa nawalang dalaga na si Jovelyn Galleno

- Aniya,walang ganung kabilis na sa loob ng dalawang linggo ay magiging kalansay na lamang kaagad ang labi ng isang pumanaw kung pagbabasehan kung kailan nawala si Jovelyn

- Dapat daw ay nasa state of decomposition pa lamang ang katawan o nasa estado palang ng pagka-agnas dahil 18 araw pa lang ang nakakalipas

- Matatandaang narekober ang kalansay matapos ituro ng sumukong pinsan ni Jovelyn ang lugar kung saan umano naroroon ang labi ng dalaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para sa Medico Legal Officer na si Dr. Eunice Herrera, tila hindi nagtutugma ang estado ng natagpuang kalansay sa araw ng pagkawala ni Jovelyn Galleno sakali mang pinaslang ito noong nawala. Dapat daw ay nasa state of decomposition pa lamang ang katawan o nasa estado palang ng pagka-agnas dahil 18 araw pa lang ang nakakalipas.

Read also

Ptr. Darlyn Galve, humiling ng panalangin para sa pamilya ni Jovelyn Galleno

Medico Legal Officer, inihayag ang opinyon sa sinasabing kalansay ni Jovelyn Galleno
Medico Legal Officer, inihayag ang opinyon sa sinasabing kalansay ni Jovelyn Galleno (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Bagamat kinokunsidera nito ang init at ulan subalit dapat ay nasa decomposition period pa lamang umano ang dalawang linggong katawan ng isang bangkay. Tanong pa ng doktora ay bakit puro ID ang nakita at nasaan ang mga damit ng biktima na sinasabing si Jovelyn.

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.

Read also

Pinsan ni Jovelyn, sinabing lookout lang siya sa krimen at ang isang pinsan ang nanghalay

Humiling ng dasal si Ptr. Darlyn Galve, ang pastora sa simbahan ng pamilya Galleno kasunod ng mga lumabas na balitang may natagpuang kalansay at kalakip niyon ay ang mga kagamitan ng dalaga. Makikita sa pictures na binahagi ni Ptr. Darlyn ang pagiging emosyonal ng pamilya ni Jovelyn. Umaasa pa rin sila na hindi si Jovelyn ang kalansay na narecover ng pulis matapos magsalita ng tinuturong suspek.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate