Pinsan ni Jovelyn, sinabing lookout lang siya sa krimen at ang isang pinsan ang nanghalay

Pinsan ni Jovelyn, sinabing lookout lang siya sa krimen at ang isang pinsan ang nanghalay

- Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn Galleno na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat daw siya sa pagdukot sa dalaga

- Ikinuwento niya kung paano nila umano inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab

- Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan

- Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mismong ang pinsang buo ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang umano'y bangkay ni Jovelyn. Sa panayama ng Bandera News TV Philippines, iginiit niyang hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga.

Read also

Medico Legal Officer, inihayag ang opinyon sa sinasabing kalansay ni Jovelyn Galleno

Pinsang buo ni Jovelyn Galleno, iginiit na hindi siya kasama sa gumahasa sa pinsan
Pinsang buo ni Jovelyn Galleno, iginiit na hindi siya kasama sa gumahasa sa pinsan (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Kwento niya, mula sa paglabas nito sa mall ay minanmanan na nila ito hanggang sa inabangan nila ang dalaga nang makababa ito sa multicab.

Kwento niya nang magkainuman sila ng kasamahan na tinukoy niyang si Jovert Valdestamon, napag-usapan nila ang umano'y pagkakursanada nito sa kanyang pinsan. Aniya, nag-abang lang siya kung may tao habang ginagahasa ang kanyang pinsan. Aniya, hindi niya ginalaw ang pinsan dahil may asawa daw siya.

Panuorin ang kabuoan ng panayam dito:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Isang establisyemento ang nakipagtulungan sa otoridad kaugnay sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn. Isang business establishment sa Brgy. Tagburos ang nagbigay umano ng kanilang CCTV na nakatutok sa National Highway kung saan nakunan ang multicab na posibleng sinakyan ng dalaga. Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang PNP kaugnay dito at wala pa ring kumpirmasyon mula sa pamilya ni Jovelyn kung siya ba ang nahagip sa CCTV footage na nakasakay sa multicab. Matatandaang nawala si Jovelyn noong ika-5 ng Agosto nang hindi ito nakauwi sa kanilang bahay mula sa kanyang trabaho sa isang boutique sa isang mall.

Mismong ang kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn Galleno ang nagsabing nakumpirma nilang si Jovelyn nga ang nasa CCTV footage na nakitang sumakay sa multicab. Sa pakikipag-usap ni Sen. Raffy Tulfo kay Jonalyn at ilang otoridad na nakatutok sa kaso, sinabi ni Jonalyn na base sa gesture at suot ng babae sa video kaya nila nakumpirma. Kahit malabo ang CCTV ay nakilala nila si Jovelyn at sumang-ayon naman si Sen. Tulfo dahil aniya bilang pamilya ay makikilala ng mga ito si Jovelyn base lamang sa kilos nito. Nabanggit din ni Sen Tulfo na muli niyang kakamustahin ang imbestigasyon sa susunod na araw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate