Babaeng umano'y 'di agad nakabayad ng utang, ipina-tarpaulin; dumulog sa RTIA
- Humingi ng tulong ang isang babaeng 'di agad umano nakabayad ng utang
- Ito ay dahil sa ibinandera ng kanyang napagkautangan ang kanyang mukha sa pamamagitan ng isang tarpaulin
- Aniya, natagalan bago niya ito nabayaran dahil wala siyang pinagkakitaan buhat nang magpandemya
- Bagaman at nabayaran na niya ang principal amount ng kanyang nautang, hindi pa rin daw umano tinatanggal ang tarpaulin
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action si Gengerie Comprendio matapos na ibandera ng kanyang pinagkakautangang si Nelia Muico ng Natasha Lemery.
Nalaman ng KAMI hindi agad nakabayad si Gengerie ng nakuha nitong produkto kay Nelia.
Dala raw ng kawalan ng hanapbuhay sa kanilang probinsya, napilitan pang lumuwas ng Maynila si gengerie upang magtrabaho at makabayad sa kanyang pinagkakautangan.
Laking gulat na lamang niya nang malaman sa kanyang kamag-anak na naka-tarpaulin na ang kanyang mukha at sinasabi ang impormasyon ng pagkakautang niya kay Nelia.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Subalit kahit nabayaran na niya umano ang principal amount na nagkakahalaga ng nasa Php800, nakababad pa ng isang buwan ang kanyang tarpaulin na hindi pa rin umano tinatanggal ni Nelia.
Sa isinagawang pagtatanong ng RTIA, napag-alaman nilang may interes na umano ang nakuhang produkto ni Gengerie.
5% kada araw ang dagdag daw dapat mula sa napagkasunduang araw na hindi ito nabayaran.
Gayunpaman, walang pinirmahan na kahit anong kasunduan si Gengerie ukol sa interes.
Kaya naman, kung hindi tatanggalin ni Nelia ang tarpaulin, maarin itong makasuhan ng libelo at paninirang puri.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 23.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Sa ngayon, isa si Tulfo sa mga nanalong bagong halal na senador sa isinagawang 2022 National Elections.
Bukod sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad, kilala rin si Tulfo bilang tagapagtanggol ng mga naagrabyado. Katunayan, tinutukan na rin ni Tulfo ang kaso ng biglaang pagkawala ng dalagang si Jovelyn Gavilleno sa Palawan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh