Kelsey Furigay, pinabulaanang sila umano ang nasa likod ng pagpaslang sa ama ni Yumol
- Itinanggi ni Kelsey Furigay ang alegasyon umano na may kinalaman sila sa pagkamatay ng ama ng supek sa pamamaslang sa kanyang inang si Ex-Lamitan Mayor Rose Furigay
- Aniya, nang malaman nila ang balita, hindi rin niya napigilang maiyak dahil isa na namang buhay ang nawala
- Dagdag pa niya, bilang ang ama ang bagong alkalde ng kanilang lugar agad nitong iniutos ang agarang imbestigasyon sa karahasang ito
- Sa ngayon, nakarating na sa Lamitan ang labi ni Rose Furigay makalipas ang isang linggong pamamalagi sa Maynila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa inilabas na pahayag ni Kelsey Furigay noong Hulyo 30, isa sa mga nasabi nito ay ang kawalan ng koneksyon ng kanilang pamilya sa pamamaril sa ama ni Chai Tiao Yumol, ang suspek sa pamamaril naman sa kanyang inang si Rose Furigay.
Nalaman ng KAMI na maging umano si Kelsey ay nahabag nang malamang ang ama naman ni Chao Tiao na si Rolando Yumol ang pinagbabaril sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Lamitan.
Sa kanyang Instagram post, agad niyang nilinaw na walang kinalaman ang kanyang amang si Roderick Furigay sa karahasang naganap ilang araw matapos na sadyain pa ni Yumol si ex-Lamitan Mayor Rose Furigay sa Ateneo De Manila University.
"My family is not involved in his father's shooting," bungad ni Kelsey nang talakayin naman niya ang inaakala ng iba na sila ang nasa likod ng biglaang pamamaril sa ama ni Yumol.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aniya, nang mabalitaan nila ang nangyari agad pang pinaimbestigahan ng kanyang ama ang sitwasyon upang agad na mahuli ang salarin.
"We do not condone violence and killing," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Agad na naaresto ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out noong Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.
Isa umanong doktor ang salarin na nakilalang si Chiao Tiao Yumol na mula sa Lamitan, Basilan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umamin umano ang suspek na personal ang motibo ng kanyang pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita "Rose" Furigay na nasampahan umano siya ng 56 counts ng cyberlibel.
Samantala, ilang araw matapos ang krimen, pinagbabaril naman ang ama ng suspek sa Ateneo shoot-out. Dahil dito, nanawagan ang ina ng suspek na si Muykim Yumol na sila'y bigyang proteksyon din umano sa mga bantang kanilang natatanggap. Sa takot, nakasuot na rin siya ng bulletproof vest.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh