Kelsey Furigay, naglabas na ng pahayag ukol sa Ateneo shoot-out na ikinamatay ng ina
- Naglabas na ng pahayag ang anak ng napaslang na ex-Lamitan Mayor na si Rose Furigay
- Nakilala itong si Kelsey ang kakambal umano ni Hannah na sana'y magtatapos ng law sa Ateneo De Manila nang maganap ang malagim na pagpaslang sa kanilang ina
- Sa pahayag, nilinaw din nilang wala silang kinalaman sa pamamaril umano sa ama ng suspek sa pagpatay sa kanilang ina na si Chao Tiao Yumol
- Aniya, sila rin ay nakatatanggap ng mga death threats na mula umano sa mga trolls, supporters at mga nakikisimpatya pa umano sa killer ng kanilang ina
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ilang araw matapos ang malagim na krimen, naglabas na ng kanyang saloobin ang anak ni Ex- Lamitan Mayor Rose Furigay na si Kelsey Furigay.
Nalaman ng KAMI na sa kabila ng pagdadalamhati ni Kelsey at ng kanyang pamilya, pinili na nitong magsalita lalo na at sunod-sunod pa umano ang mga pangyayaring pinaniniwalaan ng marami na may kaugnayan pa sa pagpaslang sa kanyang ina ng suspek na si Chao Tiao Yumol.
Sa naturang pahayag, naibahagi rin ni Kelsey ang mga huling sandali ng kanyang ina bago ito tuluyang malagutan ng hininga.
Nilinaw din niyang walang kinalaman ang kanyang pamilya sa pamamaril ng riding in tandem sa ama ni Chao Tiao na si Rolando Yumol sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Lamitan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Katunayan, siya mismo ay naiyak nang malaman ang nangyari gayung isang buhay na naman ang nasayang.
Aniya, walang kaugnayan ang ama ng supek na si Yumol sa nangyari sa kanilang ina at agad pang pinaimbestigahan ng kanyang ama kung sinoman ang nasa likod ng pamamaslang kay Rolando.
Nakiusap din si Kelsey na sana'y bigyang katahimikan ang kanilang pagdadalamhati sa biglaang pagkamatay ng inang si Rose Furigay.
Ibinahagi rin ng The Philippine Star ang kabuuan ng Instagram post na ito ni Kelsey.
Narito ang panayam kay Kelsey na ibinahagi rin ni Reiniel Pawid
Agad na naaresto ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out noong Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.
Isa umanong doktor ang salarin na nakilalang si Chiao Tiao Yumol na mula sa Lamitan, Basilan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umamin umano ang suspek na personal ang motibo ng kanyang pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita "Rose" Furigay na nasampahan umano siya ng 56 counts ng cyberlibel.
Tatlo ang kumpirmadong patay kasama ang target ng suspek na si Rose Fumigay, ang executive assistant nitong si Victor Capistrano at ang security guard na rumesponde sa insidente na si Jeneven Bandiala. Sugatan naman anak ng dating alkalde ng Lamitan na si Hannah.
Dahil sa mga saksi at agarang pagresponde ng mga pulisya agad na nahuli ang suspek na nakunan pa ng CCTV ang tangka nitong pagtakas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh