Ina ng suspek sa Ateneo shoot-out, naka-bulletproof vest na nanawagan kay PBBM

Ina ng suspek sa Ateneo shoot-out, naka-bulletproof vest na nanawagan kay PBBM

- Nanawagan ang ina ng suspek sa Ateneo shoot-out kay Presidente Bongbong Marcos

- Ito ay matapos na mabaril naman ang kanyang mister sa tapat ng mismong bahay nila sa Lamitan

-Nakasuot na rin ito ng bulletproof vest gayung nakatanggap na sila ng mga pagbabanta sa kanilang buhay

- Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pamamaril at pagkamatay ng ama na ngayo'y nailibing na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasuot ng bulletproof vest si Muykim Yumol, ina ng suspek sa Ateneo shoot-out na si Chao Tiao Yumol.

Ina ng suspek sa Ateneo shoot-out
Muykim Yumol, ina ni Chao Tiao Yumol (24 Oras)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa pamamaril at siyang ikinamatay ng 69- anyos niyang mister Rolando.

Sa panayam ng 24 Oras kay Muykim, natatakot umano ang kanilang pamilya matapos ang biglaang pamamaril ng riding in tandem sa kanyang mister sa tapat mismo ng kanilang tahanan sa Lamitan, Basilan.

Read also

Cristy Fermin, hindi na raw umano nararamdaman ang career ni Liza Soberano

Ayon sa ina ni Chao Tiao, kabi-kabila umanong mga pagbabanta ang natatanggap ng kanilang pamilya buhat ng mangyari ang umano'y pamamaril ng kanyang anak kay ex-Lamitan Mayor Rose Furigay sa Ateneo de Manila University noong Hulyo 24.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, nanawagan si Muykim kay Preseidente Bongbong Marcos.

"Mayroon na ho na bali-balita na pinag-iingat na ho kami na pinag-iingat na ho kami na iisa-isahin nila ho kami," pahayag ni Muykim.

"Sana matulungan kami ni Presidente Bongbong Marcos e nasa panganib na ho ang buhay namin. President, maawa na ho kayo sa amin. Nasa threat ho ang buhay naming lahat," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA News:

Agad na naaresto ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out noong, Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.

Read also

Dating Pangulong Fidel V. Ramos, namayapa na sa edad na 94

Isa umanong doktor ang suspek na nakilalang si Chiao Tiao Yumol na mula sa Lamitan Basilan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umamin umano ang suspek na personal ang motibo ng kanyang pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita "Rose" Furigay na nasampahan umano siya ng 56 counts ng cyberlibel.

Tatlo ang kumpirmadong patay kasama ang target ng suspek na si dating Lamitan Mayor Rose Fumigay, ang executive assistant nitong si Victor Capistrano at ang security guard na rumesponde sa insidente na si Jeneven Bandiala. Sugatan naman anak ng dating alkalde ng Lamitan na si Hannah.

Dahil sa mga saksi at agarang pagresponde ng mga pulisya agad na nahuli ang suspek na nagtangkang tumakas at kasalukuyang nakakulong sa Camp Karingal. Nahaharap na rin ito sa patong-patong na mga kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica